‘Barking up the wrong tree?’

    672
    0
    SHARE

    (Karugtong ng sinundang isyu)

    Huwag naman sa ganyang klase ng pag-‘practice’
    Ng ating propesyon Ginoong Enriquez,
    Ibilad sa isang di kanais-nais
    Na eksena itong inyong dinadawit

    Sa kung anong kaso na walang batayan,
    Liban sa posibleng dahil kaanak niyan
    Ang may-ari nitong ‘junkshop’ na naturan,
    Kaya si Wong itong gusto makasuhan?

    Pagkat ano’t nagsumikap makakuha
    Sa ‘Records Section’ ng RD sa Pampanga
    Kung di ng dahil sa si Mayor talaga
    Ang ninanais n’yong ipitin kumbaga?

    Halata ang inyong pagiging makiling
    Sa inyong kliyente kung pakasuriin
    Ang ilang animo’y patuya’t pasaring
    Na pananalitang sa bibig n’yo galing.

    Pagkat base na rin sa naging pahayag
    Ni Mayor nang siya’y aming makausap,
    May mga ‘footages’ na di pinalabas
    Si Mr. Enriquez, na kung saan dapat

    Narinig ng lahat ang panig ni Mayor
    Ng mga sandaling ang Imbestigador
    Ay kapanayamin nila si Ginang Wong
    Sa munisipyo ng bayan ng San Simon.

    At saka bakit daw may mga ‘footages’
    Na animo’y gabi nang ito ay i-’tape’
    Gayong di naman niya na-‘meet’ si Enriquez
    Nang gabing sa junkshop yan mag-‘investigate?’

    At ‘daytime’ nga nang siya’y kausapin nito,
    Kaya di malayong sa naturang punto
    Ay itong sikat na ‘broadcaster’ sa radyo
    At television ang di patas sa isyu.

    Sa paglalahad ng mga bagay-bagay
    Na tila malayo sa katotohanan,
    Pagkat si mayor nga ang pinalilitaw
    Nilang may-ari ng nasabing iskrapan.

    At siya itong hangga’t maari’y ipitin
    Nina Enriquez at ng kanyang kliyenteng
    Takot lumantad at magawang harapin
    Ang kinakasuhan kaya nasa dilim.

    At di gaya nitong puro akusasyon
    Na katulad ng usap-usapan ngayon
    Ang ibinabato nila kay mayor Wong,
    Na may kani-kanyang ‘premature’ na hatol.

    At pinalalabas nilang si Mayor nga
    Ang dapat kasuhan hangga’t magagawa
    Nilang ipitin sa paraang di tama
    Di baleng ang taong ito’y mapasama?

    Alam n’yo bang sa pamilya ni mayor Wong
    Ay di lamang nitong siya’y naging mayor
    Sila nagka-‘junkshop’ kundi maging noong
    Maliliit pa sila diyan sa San Simon?

    At ang tatay nila na napakasipag
    Isa sa negosyo nito ang mag-‘junkshop,’
    Kung kaya ang kaalaman nila’y sapat
    Upang sa anumang iligal umiwas.

    Ipagpalagay nang ang kanyang kapatid
    Ay nakabili ng bagay na inumit,
    Siya dapat ang kasuhan sa ‘Court of Justice’
    At di ang Alkaldeng di kanya ang bisnes.
     
    At sa ganang aming pagkaka-intindi,
    Si Mike at kanyang mahal na kliyente
    Ay masasabi kong ‘barking up the wrong tree’
    Ang  bintang nila sa butihing Alkalde!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here