Home Headlines Barbershops sa Bataan nagbukas na

Barbershops sa Bataan nagbukas na

887
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Nagbukas nitong Linggo ng umaga ang maraming barbershop sa Bataan matapos payagan ng Inter-Agency Task Force on Infectious Disease at ng mismong local government units ang mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.  

Sa Balanga City, halimbawa, may ilang naglilinis at nag-aayos pa lamang ngunit karamihan ay tumanggap na ng mga nagpapagupit at nagsasabing sumusunod sila sa itinakdang safety protocol ng pamahalaan.

Ang kumbinasyong Richelle Salon and Barbershop ay open for transaction na ang barbershop. May disinfection mat, thermal scanner bago makapasok ang sinoman. Sa pintuan ay may nakalagay na signage na “No face mask, No entry policy.”

Isang plastic divider ang tumatayong proteksiyon sa pagitan ng customer at cashier. May plastic cover din na nagsisilbing division sa bawat upuan ng salon at may marking na “X” ang bahagi ng upuan na hindi dapat upuan bilang  pagpapakita ng social distancing.

Ayon kay Renato Icban, may-ari ng barbershop/salon, unang araw nang muli nilang pagbubukas matapos magsarado dahil sa coronavirus disease. Open sila for business, aniya, mula alas10 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi o hanggang matapos ang customer na nasa loob ng shop.

“Marami tayong dapat sundin na guidelines ng ating LGU. Ginawa namin itong divider na plastic, na parang cubicle for each customer para safe bawat isa tapos naka-gwantes kami at face mask, sabi ni Icban.

May nakahanda umano silang personal protective equipment kung kinakailangan at mahigpit na requirement nila ang pagsusuot ng face mask sa customer nila at manggugupit.

“Nagready na din kami ng thermal scanner at pang disinfect sa mga customer naming papasok para ligtas kami lahat dito sa salon, dagdag ni Icban.

Ang Mando’s Barbershop ay may signage na “Social Distancing” at “one by one only” sa harap ng pagupitan.

Sinabi ng may-aring si Mando na simula Linggo, bukas sila alas-8:30 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon matapos mawalan ng kita ng ilang buwan dahil sa pandemic.

“Tatlong buwan na akong hindi nakapagpagupit, dati monthly akong nagpapagupit,sabi ni Dante habang ginugupitan ni Mando. Ganoon din ang sabi ni Alvin Vicente na ginugupitan naman ng kapatid ni Mando.

Sa FBJ Barbershop, may magkakalayong monoblock chair sa labas bilang upuan ng mga naghihintay na magpapagupit.

Sa loob ng barbershop, naka-face mask lahat ng barbero at ang mga ginugupitan.

“Tatlong buwan na akong hindi nakapagpagupit. Dati kada tatlo o dalawang linggo akong nagpapagupit,sabi ng isang customer na naghihintay sa labas ng barberya.

Sinabi ni Jeff Garcia, barbero, na kailangang may tao sila sa labas ng kanilang barbershop para mapanatili at mapangalagaan ang social distancing.

“Magkakaroon pa kami ng PPE na plastic para mas safe. Mas maganda sumusunod sa batas, ani Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here