Barangay officials umalma sa P20-K singil ng Comelec

    369
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Umalma ang mga opisyal ng barangay dahil sa kautusan ng Commission on Election na maningil ng 10 porsiyento mula sa general fund ng mga barangay sa bawat bayan sa lalawigan ng Zambales na siyang gagamitin sa nalalapit na barangay election sa Oktubre 28.

    Nauna nang inabisuhan ang lahat ng mga opisyal ng barangay na isama sa kanilang budget sa general appropriation fund ang Comelec kung saan ang bawat barangay ay magbibigay ng P20,000 na siyang magiging pondo na gagamitin sa eleksyon. Ito ay sa kabila na nasa ilalim ng state of calamity ang Olongapo City at Subic, Zambales dahil sa matinding epekto ng habagat.

    Ayon kay ABC President, Barangay Captain Ariel Apostol ng Barangay Ilwas, hindi nito kayang ibigay ang halagang P20,000 share ng barangay sa Comelec dahil aniya kapos ang kanilang budget at kasalukuyan pa silang nagsasagawa ng clearing operation sa kanilang barangay dahil sa epekto ng matinding pagbaha.

    Dugtong pa nito na pinag-uusapan pa ito sa national at wala pang kasiguruhan na ang P20,000 ay maaprubahan na bawat barangay ay magbibigay ng ganun kalaking halaga. Pinag-iisipan pa ni Apostol kung bubuuin nitong ibigay ang kahilingang budget na hinihingi ng Comelec.

    Batay naman sa memorandum na ipinalabas ni Election Offi cer lll Grace Fortaleza Santos ng Subic, Zambales, kanyang pinaalalahanan ang mga barangay treasurers at captains sa 16 na barangay na kinakailangan nang mai-submit ang kanilang mga barangay share batay sa isinasaad sa Comelec Resolution No. 7939 na nilagdaan ni Comelec Chairman Sixto Brillantes at ang anim na commissioners.

    Ayon kay Santos, napag- usapan na nila ito sa meeting na na pare-parehas na lang sila na magbigay ng P20,000 at hindi na lingid sa kaalaman ng mga barangay officials na tuwing nag-election ay may share silang ibinigay sa Comelec.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here