Home Headlines Barangay nirarasyunan na lang ng tubig

Barangay nirarasyunan na lang ng tubig

555
0
SHARE
Barangay nirarasyunan na lang ng tubig
Ang pila ng mga timba at galon ng ilang residente ng Barangay Look 1st habang nirarasyunan ng tubig ng Primewater. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS –= “Tubig!”
Ito ang sigaw ng mga residente ng Barangay Look 1st dito dahil sa walang lumalabas na tubig mula sa gripo na sineserbisyuhan ng Primewater na nasa ilalim ng joint venture agreement ng City of Malolos Water District.

Ang masaklap, ayon sa mga residente, hindi pa man tumatama ang El Niño sa bansa ay nagsimula na ang kanilang kalbaryo sa tubig ng nakaraang taon.

Pangamba nila na mas tumindi ito ngayong pagpasok ng summer. Ani mga residente, nagkakasakit na sila dahil sa puyat sa kakaabang ng tubig na kung may tumulo man ay napakahina. Kaya’t bilang pansamantalang solusyon ay nagrarasyon na lang sa kanila ng tubig ang Primewater at ang Malolos BFP.

Araw at gabi pila ang mga balde at timba sa kalsada at sa labas ng kabahayan habang naghihintay ng rasyon na kung minsan ay wala ding dumadating.

Gayunpaman, hindi naman daw sapat ang rasyon dahil hindi rin ito pwede sa pagluluto o sa pagkain na nagagamit lang nila sa ibang bagay gaya ng paglalaba.

Ayon kay Barangay Look 1st chairman Colbert Jocson, naglabas na sila ng manifesto na kung maaari habang may problema sila sa tubig ay i-refund o huwag na muna silang singilin sa tubig ng Primewater.

Dumulog na daw sila sa Sangguniang Panlungsod ng Malolos at pinag-aaralan na ngayon ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Samantala, tumanggi ang Primewater na magbigay ng kanilang panig hinggil sa nasabing reklamo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here