Home Headlines Barangay kagawad, asawa patay sa pananambang

Barangay kagawad, asawa patay sa pananambang

911
0
SHARE
Ang burol ng mag-asawang Macasuhot na biktima ng pananambang. Kuha ni Rommel Ramos

PULILAN, Bulacan — Patay sa pananambang ng riding in tandem ang isang kagawad ng barangay at asawa nito sa Barangay Balatong A ng nasabing bayan.

Kasalukuyang nakaburol sa isang chapel sa barangay ang labi ng mag-asawa at

isang task force na ang binuo ng Bulacan police na tututok sa imbestigasyon ng nasabing krimen.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Rodolfo Macasuhot y Ramos, 52, barangay kagawad ng Balatong A, at asawa nito na kinilalang si Melchora Macasuhot y Gayto, 47.

Ayon sa ulat, maga-alas-5 ng madaling araw nitong Lunes habang lulan ng caramachog ang mag-asawa para mamalengke ay bigla na lang silang pinagbabaril ng hindi nakilalang mga salarin.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga salarin sa hindi nabatid na direksyon. Na-recover ng SOCO sa crime scene ang 11 basyo ng bala ng .9mm.

Naulila naman ng mag-asawa ang kanilang tatlong anak na pawang mga nagsisipag-aral pa.

Tumangging magbigay ng panayam sa news team ang kaanak ng mga biktima at tumanggi din na humarap sa camera ang mga pulis Pulilan dahil patuloy pa daw ang imbestigasyon nila hinggil sa insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here