Naunang pumasok sa barangay hall ang dalawang hindi nakilalang lalake at humiling na magpa-review ng CCTV footages dahil umano sa insidente ng cellphone snatching.
Ngunit agad din silang lumabas, kasunod naman ang pagdating ng dalawang armadong kalalakihan at tinutukan ng baril ang bookkeeper ng barangay hall na si Michael Angelo Calayan, sinikmuraan, at pwersahang ipinatanggal ang hard drive ng CCTV.
Matapos noon ay agad na tumakas ang mga salarin tangay ang pakay na hard drive.
Ayon kay Calayan, posibleng konektado ang pagtangay sa kanilang CCTV hard drive sa insidente naman ng pagpatay sa incoming barangay chairman ng Barangay Labne, San Miguel, Bulacan na si Gener Lopez sa Barangay Mojon dahil maaring sa kanilang barangay dumaan ang mga salarin matapos ang pamamaslang.
Wala pang pahayag ang Bulacan PNP hinggil sa nasabing insidente.