Samal, Bataan: Nagsagawa ng Barangay Fire Olympics 2024 ang bayang ito sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection at ng municipal disaster risk reduction management office noong isang araw.
Sinabi ni SFO4 Noeson Mendoza, Samal municipal fire marshal, na ang fire Olympics ay isang bahagi ng paggunita ng Fire Prevention Month. Ang tema ng paggunita sa 2024 ay “Sa Pag iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa!”
Nagsagawa muna ng mahabang parada bago ginanap ang fire Olympics sa Barangay Lalawigan na nilahukan ng 14 na barangay. Nagkaroon ng iba’t ibang paligsahan na may kinalaman sa pag apula ng apoy na tampok ang pagtutulungan.
Pinasalamatan ng Samal BFP si Mayor Alex Acuzar at iba pang opisyal ng bayan ng Samal sa kanilang tulong upang maging matagumpay ang fire Olympics. (30)