Banta sa pamamahayag

    646
    0
    SHARE

    Ano ang pagkakatulad ng isinusulong ni Bacolod Rep. Monico Puentevella na Right of Reply bill sa Kongreso; desisyon ng korte ng Makati kung saan ay kinatigan ang pulisya na tama ang kanilang ginawa sa pagsalakay sa Manila Pen noong nakaraang taon; at sunod-sunod na pamamaslang sa pamamahayag kung saan ay siyam na ang napaslang sa  Gitnang Luzon mula 1987?

    Lahat ng ito ay banta sa pamamahayag.



    Maganda raw ang layunin ng panukalang Right of Reply bill, ngunit ito ay illegal dahil malinaw ang sinasabi ng 1987 Constitution na ”there shall be no law abridging the freedom of expression and of the press.”

    Kapag naging batas ang Right of Reply, ang magiging editor ng Punto, Central Luzon Businessweek, CL Banner, News Central, at iba pang pahayagan sa Pampanga ay si Among Ed.  Sa Bulacan naman ay walang iba kundi si Gob. Jonjon, o kung sino ang magiging gobernador sa mga susunod na panahon.  Yung nga lang, bago sila mapalitan ay tumiklop na ang mga pahayagang lokal.



    Batay sa panukalang Right of Reply ni Puentevella, kailangang ilathala ng mga pahayagan lokal man o pang-nasyunal ang nais ipalathala ng mga opisyal lalo na kung sila ay medyo ‘nabanatan’ sa mga artikulo.

    Kung sabagay, pabor din ito sa mga tinatamad na editor.  Ngunit ano ang silbi ng pahayagang walang kalayaang magpahayag ng tama.  Baka sa susunod ay laundry list na ng mga pulitiko ang ilathala.



    Kung tutuusin ay medyo okey pa kung pulitiko ang magpapalathala ng kanilang mga reply sa mag artikulo.  Paano kung ang mag-invoke ng right of reply ay sina Kumander Kato, Kumander Bravo na sinasabing mga lost command ng MILF?

    Dapat ay pag-isipang mabuti ng bawat mamamahayag, maging ng mga opisyal at ng sambayanang mambabasa ng pahayagan ang mga nasabing batas, at gumawa ng nararapat na aksyon.



    Isipin din natin ang pagkatig ng Makati RTC sa pananaw ng pulisya hinggil sa Manila Pen Siege.
    Dapat bang ang pulisya ang magdikta sa mga mamamahayag kung alin ang iko-cover? 



    Isa sa mga nakikitang solusyon sa panukalang right of reply ay ang pagbuo ng mga citizens’ press council sa ibat-ibang bahagi ng bansa kabilang na sa Gitnang Luzon, partikular na sa pitong lalawigang bumubuo sa rehiyon.

    Ang citizen’s press council ay binubuo ng mga mamamahayag at mga mamamayang nagmula sa akademya, simbahan, at maging sa mga non-governmental organizations
    (NGO).



    Ito ay magsisilbing sumbungan ng mga mamamayang inabuso ng mga mamamahayag o pahayagan at mga istasyon ng telebisyon at radio.

    Ibig sabihin, ang CPC ang magsisilbing bantay sa mga inabuso o self regulating mechanism ng mga mamamahayag.

    Layunin ng mga CPC ay maipagtanggol ang malayang pamamahayag sa pamamagitan ng responsableng o mataas na antas ng pamamahayag.

    Nais ding patunayan ng mga CPC na hindi kailangan ng mga mamamahayag ang outside intervention ng gobyerno sa pamamagitan ng Right of Reply.



    Ang mga pananaw na ito ng CPC ay tama, dahil kung didiktahan ng gobyerno ang mga mamamahayag sa pamamagitan ng right of reply, ano pa ang halaga ng pagiging “Fourth Estate” ng mga pahayagan.

    Dapat manatili ang freedom of the press.  Kung didiktahan ng gobyerno ang media, hindi na matatawag na “fourth estate” ito, sa halip ay “next mistress” o kalaguyo ng sinumang makapang-yarihan at maimpluwensya. Maglalaho na rin ang karakter ng media na “watchdog”, sa halip ay magiging “lap dogs”, at baka mapabilang sa mga pinatutungkulan ng karatulang “beware of dogs.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here