Home Headlines Banta ng H5NB avian flu: Birdwatching ipagbabawal

Banta ng H5NB avian flu: Birdwatching ipagbabawal

672
0
SHARE

Sina Mayor Rene Maglanque at municipal health officer Dr. Preny Manimbo matapos na pag-usapan ang mga gagawing paghihigpit sanhi ng napabalitang H5N8 avian flu mula sa bansang Russia. Kuha ni Rommel Ramos



CANDABA, Pampanga —
 Ipagbabawal muna sa loob ng tatlong araw ng lokal na pamahalaan ang bird watching dahil sa napaulat na human transmission ng H5N8 avian flu sa bansang Russia.

Kilala ang naturang bayan na pinamumugaran ng mga migratory birds, partikular sa mga buwan ng Oktubre hanggang Marso, kung saan ay malamig ang klima mula sa mga bansang China, Vietnam, Japan, at Russia.

Mga alagang itik sa Candaba. Kuha ni Rommel Ramos

Ayon kay Mayor Rene Maglanque, ipagbabawal muna sa publiko ang pagpunta sa bird sanctuary habang naghahanda sila sa mga gagawing paghihigpit kaugnay ng napaulat na H5N8 human transmission.

Paiigtingin ng Municipal Task Force Against Bird Flu ang pagmomonitor sa mga migratory at local birds sa Candaba at maglalagay ng mga warning signs laban sa avian flu.

Sa ngayon aniya ay hindi naman ganoon karami ang mga migratory birds sa Candaba at naglipatan na rin naman sa ibang lugar tulad ng Cavite at Bataan.

Samantala, ayon naman kay Dr. Preny Manimbo, municipal health officer, ang mga nag-aalaga ng itik at bibe sa lugar ay agad na ipinag-uulat sakaling may mapansin na sintomas ng bird flu sa kanilang mga alaga.

Bukod dito ay minomonitor din ng kanilang tanggapan ang kalusugan ng mga nag-aalaga dito ng mga itik at bibe at masiguro na walang kaso ng human transmission.

Sa ngayon, bagamat may pandemya ay marami pa ring lokal na turista sa bird sanctuary doon kayat maghihigpit sila ng pagbabantay sa lugar.

Ipinaliwanag niya na mahigpit na ipinagbabawal sa Candaba ang paghuli at pagbaril sa mga migratory birds.

Pinag-iingat nila ang publiko na lapitan ang mga ibon para makasiguro na malayo sa peligro dahil hindil nila batid kung may sakit ang mga itong avian flu.

Kasama din sa tagubilin na agad na iulat sakaling may makita doon na patay ang mga ibon para sa kaukulang hakbang ng mga otoridad.

Kung matatandaan aniya, 10 taon na ang nakakaraan ay may naitalang kaso ng bird flu human transmission sa Candaba matapos mahawa ang isang estudyante sa kanyang kaklaseng Hongkong national sa isang unibersidad sa Maynila.

Nahawaan naman ng nasabing estudyante ang kanyang pamilya sa Candaba ngunit agad din namang na-contain ang nasabing kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here