‘Bankruptcy,’ paninira lang kay Oca

    470
    0
    SHARE

    Kung kaninong kampo posibleng nag-ugat
    ang tsismis hinggil sa umano’y nilimas
    ni Oca Rodriguez ang kaban ng siyudad
    ng San Fernando ay grabeng pagkakalat

    Ng nakasisirang impormasyon laban
    sa pagkatao niya bilang ‘public servant’
    na naging matapat sa panunungkulan
    sapol maluklok sa palingkurang-bayan

    At kung saan siya’y naging city mayor
    sa naturang lungsod nang siyam na taon
    bago binalikan ang pagiging Solon
    sa 3rd district bilang kapalit ni Cong Dong

    Na napataob niya sa patas na laban
    at ika nga’y walang mantsa ng dayaan
    na maaring naging mitsa ng isyung yan,
    bagama’t pupuede nating isangkalan.

    Posible rin namang dating nakasama
    ang otor n’yan para iligaw ang masa;
    Dahilan na rin sa itong pulitika
    ay wala rin namang tiyak na kasangga.
     
    At marahil kahit kaututang dila
    ng butihing Solon ay kayang gumawa
    Ng ganyan sakali’t sa tukso ng kapwa
    Ay mahikayat na tapakan si Oca

    Madali rin namang gumawa ng isyu
    na ikasisira ng matinong tao,
    lalo’t personal ng pagnanasa nito
    ang mangibabaw at umiral ng husto.
               
    Di ko sinasabing isa o kabilang
    sa dating kagrupo at ibang nahalal
    na opisyal itong maaring may alam;
    Nguni’t lahat na ay posible kung minsan

    Pero hind pa rin tayo kumbinsido
    na ang tsismis hinggil sa simot umano
    ang kaban nang datnan ni Mayor Santiago
    ay di sa city hall nag-ugat yan mismo.

    Alalaon baga, sa puntong naturan
    ang dating mayor ay sinisiraan lang
    ng kung sino para ang napakagandang
    samahan nila ni Edsa’y mabahiran

    Ng lambong kumbaga kapag inakala
    nitong dating city mayor na si Oca,
    na ngayon pa lang ay baka gumagawa
    na ang kung sino r’yan ng ikasisira

    (Ng imahe niya bilang ‘most awarded
    city mayor San Fernando (P) ever had
    pagkat wala naman ding nakatitiyak
    sa kahahantungan ng kanilang bukas)

    Kung kaya’t maaring kahit di totoo
    na simot ang kaban nang lisanin nito,
    ay pinamalita na mautang ito,
    gayong ang iniwan pala’y bilyong piso?

    Ni Mayor Rodriguez sa kanyang ‘successor’
    na si Edsa – at di kagaya nang noong 
    si Dr. Rey Aquino ang naging Mayor,
    ang ipinamana’y utang ng city hall?
     
    (Kaya’t nang tangkain nitong makabalik
    upang manapa ay minsan pang umulit,
    natalo kay Oca ng dalawang beses;
    Aywan lang ‘comes 2016’ kung uulit!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here