Bank official, bizman ligtas sa kidnapping

    590
    0
    SHARE

    CABANATUAN CITY – Isang mataas na opisyal ng bangko at kasama nitong negosyante ang nakaligtas nang abandonahin ng mga kidnapper matapos maaresto ng mga pulis ang isang miyembro ng sindikato na kumuha ng ransom sa parking lot ng isang mall sa lungsod na ito.

    Ang mga biktima ay nakilalang sina Aurelio Villaflor, 62, executive vice president ng GM Bank Cabanatuan City branch, residente ng Barangay Sumacab Este ng lungsod na ito at Evangeline Urgente, 37, residente ng Talavera, Nueva Ecija.

    Ayon kay Senior Supt. Crizaldo Nieves, direktorr ng Nueva Ecija police provincial office, maayos naman ang kalusugan ng mga biktima nang makabalik sa banko bandang alas-6 n.g noong Huwebes, ilang oras matapos dukutin ng mga suspek.

    Ayon kay Nieves, isinagawa nila ang operasyon laban sa mga suspek bandang alas- 2 n.h. matapos magsumbong sa pulisya si Jesus Lazo,45, hepe ng security and safety department ng GM Bank dahil sa kahina-hinalang mga tawag na kanyang natanggap mula sa biktima.

    Ayon kay Lazo, una siyang nakatanggap ng tawag mula kay Villaflor, dakong alas-8 n.u na nagsasabing maggayak siya ng P3.5 milyon para sa kanyang “emergency use” pero nag-hang umano ang telepono bago pa man siya makapag-usisa.

    Mula imanong tumawag si Villaflor at sinabing maghanda ng P400,000 at dalhin ito sa parking lot ng shopping mall na nasa Barangay San Roque ng lungsod na ito. Dito na umano idinitalye ni Villaflor ang gagawing pagkuha ng isang lalaki na magpapakilalang Aurel mula kay Lazo.

    Idinikta rin ni Villaflor kung anong sasakyan ang dapat gamitin ni Lazo at maging ang puwesto kung saang bintana kakatok ang lalaki.

    Hiningi ni Lazo ang tulong ng otoridad dahil nagduda umano siya sa sitwasyon, lalo pa’t naginginig ang tinig ng kanyang boss.

    Dito na inilatag ng magkasanib na puwersa ng provincial intelligence branch ng NEPPO at criminal investigation and detection team (CIDT) ang operasyon para madakip ang mga suspek na nagresulta sa pagka-aresto kay John del Rosario, 36, residente ng Barangay Imelda Valley, Palayan City.

    Nabawi mula sa kanyang ang P400,000 ransom.

    Pero habang isinasagawa ang follow-up operation ay isang tawag ang tinanggap ng pulisya na nagsasabing inabandona na ang mga biktima sa isang hindi ibinunyag na lugar hanggang sa makabalik ang mga ito sa bangko.

    Sa kanyang pahayag sa pulisya, sinabi ni Villaflor na nagbibiyahe sila patungong Barangay La Torre, Talavera, Nueva Ecija lulan ng kanyang Honda CRV (RLB-279) nang harangan sila ng isang asul na Toyota Revo na may sakay na pitong armadong lalaki sa may Barangay Dinarayat, Talavera.

    Pinosasan umano si Villaflor, piniringan ang kanilang mga mata at binalot ng packaging tape ang kanilang mga kamay.

    Ibinyahe raw sila ng tinatayang isang oras bago tuluyang manghingi ng P5-milyong ransom ang mga suspek. Inutusan raw siyang makipag-ugnayan sa kanyang mga tauhan para sa ransom hanggang sa bumaba na ito sa P400,000.

    Pero bago abandoinahin ang mga suspek, kinuha ng mga ito ang Apple laptop, I-phone 4S, relo, singsing, at spare tire ng Honda CRV na nagkakahalaga ng P125,000 mula kay Villaflor. Mula kay Urgente naman ay natangay ang P40,000 cash, tatlong bracelets, tatlong singsing,  kuwintas, dalawang pendants at dalawang mobile phones na nagkakahalaga ng P350,000.

    Ayon kay Nieves sinampahan na ng kasong kidnapping for ransom ang mga suspek, kabilang na ang nakatakas  habang isinasagawa ang malawakang manhunt operation.

    SHARE
    Previous article‘LQ’ leads to death
    Next articleIng Angin

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here