Bangs Garcia na-amuse sa porno show sa Bangkok

    628
    0
    SHARE

    Hindi makakalimutan ni Bangs Garcia ang experience nilang magba-barkada sa Bangkok recently nang magtungo sila roon para mag-unwind since that time ay katatapos lang ng serye niyang Kung Ako’y Iiwan Mo.

    Sa nasabing bansa ay first time raw niyang makapanood ng “ping-pong (pekpek) show.”

    “Nagpunta kami sa mga ping pong show. Napanood ko, oo. Na-shock ako. Ganito ba talaga magtrabho ang mga babae rito? Naloka ako,” sabi ni Bangs nang makausap namin sa story presscon ng indie film niyang Lauriana.

    “Nakakadiri na naka-kabaliw,” deskripsyon niya sa napanood. “Boring na ‘yung ping pong kasi parang nilalabas-pasok lang ‘yung bola. Ang pinakanaloka ako ay ’yung tubig na naging Coke.

    “Sabi ko, Oh my God, carbonated pa, hahaha! Coca-cola ba talaga ‘yan? Saan napunta ’yung tubig pagkatapos?

    Paano lumabas ’yung Coca-cola? At saka ’yung dart, grabe naman ang muscle control ng mga babae! Ang layo ng balloon! Sharp shooter, gamit ’yung ano (ari) niya. Naaliw ako kasi kakaiba. Only in Bangkok,” ang kwento ni Bangs na tawa nang tawa.

    Ang isa pang nakakaloka, nakakita rin daw siya ng lalaking nakahubad.

    “Hindi lang nakahubad  kundi nakatayo pa ‘yung “kanya.  Sabi ko, live show na ito. Pagdating sa stage may babae na talaga. Naku,eto na talaga ’yun. Pag-akyat ng babae, may ibinigay na drum, tapos  ginawang stick ’yung ano niya. My God, ginawang drum ‘yung ano niya, naloka ako,” kuwento pa ni Bangs.

    Samantala, excited na si Bangs sa kanyang first title role na Lauriana na kung saan ay  kasama niya sina Allen Dizon, Rich Asuncion, Angeli Bayani atbp. Ito ay sa direksyon ni Mel Chionglo  at sa panulat ni Ricardo Lee.

    Ilalaban ito sa Sineng Pambansa All Masters Series Film Festival. Set in 1950 tackles the unusual relationship of PC and baylerina. It dwells on the plight and abuse of women during early times. Prodyus ng BG Productions at FDCP.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here