Bangs Garcia madaling mabaliw sa lalaki?

    408
    0
    SHARE
    Mismong si Bangs Garcia ang umamin sa isang interview na hindi na siya birhen. That was just like saying na naisanla na niya’ng kanyang pagkababae sa isang lalaki. Well, okey lang naman yun. Sa ganda ba naman ni Bangs, sino naman kaya’ng lalaking hindi mababaliw sa kanya?

    May ilan na rin namang  artista na minsan nang na-link kay Bangs. Na sa katunayan, si Bangs pa ang nababaliw sa lalaki kapag ito ay in love. Unang lalaking na-link sa kanya ay si Rico Barerra na produkto ng Pinoy Big Brother House. Noong silang dalawa raw, talagang halos wala nang inatupag si Bangs kundi si Rico na later on ay bumitaw na sa kanya. Kumbaga, nauta raw si Rico dahil sa sobrang pagbibigay ni Bangs. Sobrang maasikaso raw, sobrang sweet ni Bangs na di naglaon nga ay piagsawaan ni Rico. Si Rico raw kasi ang tipo ng lalaking ang gusto niya ay siyang mag-alaga ng babae.

    Sumunod na na-link kay Bangs ay si Jake Cuenca. Nothing much is heard about their affair dahil mukhang gimik lang naman yung sa kanila. But if we have to weigh things out, si Bangs ang naging dahilan ng tuluyang paglayo ni Roxanne Guinoo kay Jake Cuenca.

    Heto na ngayon, biglang umentra sa buhay ni Bangs si Coco Martin.

    May tsikang si Bangs Garcia na raw ang bagong nililigawan ng 2009  Star Awards Best Drama Actor na si Coco Martin.

    Madalas daw nakikita si Coco na bumibisita at inaabot nang  madaling  araw sa pagbabantay sa taping ng bagong soap ni Bangs na Magkano ang Iyong Dangal at hindi umaalis hanggang hindi tapos ang mga eksenang kinukunan si Bangs. May pagkaing bitbit pa raw ang aktor para sa dalaga.

    Grabe rin daw mag-text ang binatang-ama kay Bangs dahil panay-panay ang tunog ng cellphone ng aktres na ang nagti-text ay si Coco.

    Panay rin daw ang tawag ng poging aktor kay Bangs sa cellphone para lang makausap at kumustahin ang young sexy star.

    May  nagsasabing napakalakas ang tama kay Coco ni Bangs dahil hindi naman daw ito nag-effort ng sobra-sobra noong si Karylle ang napabalitang pinopormahan ng aktor.

    O baka naman kaya, si Bangs ang may sobrang effort kung kaya parang pagkit na dumidikit sa kanya si Coco Martin?

    Hindi kaya, Katherine Luna?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here