MEYCAUYAN, Bulacan – Natagpuan ang bangkay ng isang batang babae sa madamong bahagi ng Mac Arthur Highway sa Barangay Saluysoy, dito kamakalawa.
Hinala ng mga operatiba na ginahasa at pinatay ang biktima na tinatayang nasa 10 hanggang 15 taon ang edad na natagpuang nakasubsob, hubot-hubad at may bahid ng dugo sa maselang bahagi ng katawan.
Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na ginahasa muna ang bata bago pinatay.
Ayon kay Barangay Tanod Moises Mipa ng barangay Saluysoy, pasado alas-siete ng umaga ng makatanggap sila ng sumbong mula sa dalawang nagtatabas ng damo sa naturang lugar.
Habang nagtatrabaho ay may nakita umano ang mga ito ng katawan ng isang batang babae na nakasubsob sa damuhan at wala ng buhay.
Dahil dito ay agad silang nakipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang siyasatin ang lugar at makagawa ng imbestigasyon.
Sa kasalukuyan ay wala pang pagkakakilanlan sa biktima.
Maliban lamang sa mga kulay nitong kayumanggi, hanggang batok ang buhok na medyo kulot at taas na aabot sa apat na talampakan.
Hindi pa rin matukoy ng kapulisan kung ang biktima ay wala ng buhay ng itapon sa naturang lugar o kung doon din ito mismo hinalay at pinatay.
Samantalang bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay isang edad 13 na batang babae ang naiulat na ilang araw ng nawawala mula sa karatig lugar.
Inaalam din ng pulisya na kung ang batang naiulat na nawawala ay siya ring bata na natagpuang patay sa gilid ng highway.