HAGONOY, Bulacan—Isa pang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang nakitang lulutang-lutang sa karagatan na sakop ng bayang ito noong Miyerkoles.
Hinala ng pulisya, ang bangkay ay nabiktima rin ng pagkalunod bunga ng bagyong Ondoy.
Ayon kay Supt. Myrna Reyes, hepe ng Hagonoy PNP, nagsagawa sila ng relief operations kahapon sa Barangay Pugad sa bayan ng Hagonoy kung saan nila napag-alaman na isang bangkay ang nakitang lulutang-lutang sa dagat malapit sa Manila Bay.
Isa umanong mangingisda ang nakakita dito at itinali na lamang ang bangkay sa isang puno ng bakawan upang hindi na anurin pa.
Ayon pa kay Reyes, may isa pang bangkay ng bata ang nakita ring lulutang-lutang sa karagatan ngunit hindi na naitali pa ng mangingisda dahil sa lakas ng alon at tuluyan nang napadpad pa sa kalawakan ng karagatan.
Sa kasalukuyan ay wala pa ring pagkakakilanlan ang naturang bangkay maliban lamang sa suot nitong damit na kulay asul na may nakatatak na “LETRAN” at maong pants.
Ayon kay Reyes, tinatayang nasa mahigit 30 taong gulang na ang biktima at posibleng nasa ika-apat na araw na itong patay.
Wala na ring buhok ang biktima bunga ng matagal na pagkakababad sa tubig.
Sa kasalukuyan ang bangkay ay dinala sa Blue Cross Funeral Parlor sa bayan ng Hagonoy at nananawagan din ang pulisya sa mga posibleng kaanak ng biktima.
Ayon kay Reyes, posibleng sa lalawigan din ng Bulacan nalunod ang biktima noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.