Home Headlines Bandila ng Pilipinas itinaas din sa Pamintuan Mansion

Bandila ng Pilipinas itinaas din sa Pamintuan Mansion

604
0
SHARE
Pagtataas ng bandila sa Pamintuan Mansion kung saan ginanap ang unang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, 1899. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG ANGELES — Sa temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” ay sabay ding itinaas ang bandila ng Pilipinas sa ika-125 guning taon ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Pamintuan Mansion dito.

Ilang lokal na opisyal ang dumalo dito sa pangunguna ni Pampanga 1st District Rep. Carmelo “Jon” Lazatin II, Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., Vice Mayor Vicky Vega at miyembro ng sangguniang pablungsod, mga kawani ng city hall at kapulisan para sa tradisyunal na pagtataas ng bandila ng Pilipinas ganap na alas-8 ng umaga.

Bago ito ay isinagawa na ang pag-aalay ng bulaklak sa marker ng Pamintuan Mansion kung saan nakasaad na ito ang naging himpilan ng tanggulan ng Republika laban sa mga Amerikano noong 1899.

Dito rin sa Pamintuan Mansion sinelebra ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan noong June 12, 1899 at binigkas ang mga katagang “Filipinas is for the Filipinos,” dahil sa pananakop ng Amerika sa Pilipinas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here