BANAT NI DENR SEC SA MAYOR
    Protect environment 1-M%

    306
    0
    SHARE
    STA CRUZ, Zambales — “Protect the environment one million percent for the interest of the people.”

    Ito ang pakiusap ni Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez kay Sta. Cruz Mayor Chito Marty sa kanyang pagdalaw sa lalawigan upang alamin ang problema dulot ng pagmimina.

    Pagkababa pa lamang ng kalihim sa sinasakayang helicopter, sermon na ang inabot ng mayor matapos makita ni Lopez sa aerial survey ang mga miniminang kabundukan ng Sta Cruz.

    Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Lopez na masyado itong nadismaya sa nakita kung kaya hiniling nito sa alkalde ang tulong ng mga lokal na pamahalaan na dapat proteksyunan ang kalikasan.

    Sinabi ni Marty kay Lopez na may kakampi na ito sa gobyerno para protektahan ang kalikasan, subalit hindi makapaniwala ang kalihim sa nakita nito sa aerial survey.

    Sa ginanap na forum sa St.Michael Parish Church na dinaluhan ng mga residente na apektado ng pagmimina, ibatibang problema ang kanilang idinulog sa kalihim gaya ng pagbaba sa produksyon ng pangisdaan, taniman ng palay, gulay at iba pang kabuhayan ng mga mamayan ng Sta. Cruz dahil natabunan na ito ng “laterite”.

    Ipinarating ng mga residente sa kalihim ang pagwasak sa tinaguriang watershed sa Acoje at pagputol ng mga malalaking kahoy sa kanilang lugar.

    Hiniling naman ng grupong Defend Zambales kay Lopez na tuluyan nang isara at ipatigil ang lahat ng operasyon ng minahan sa Zambales.

    Sinabi ni Lopez na ang Zambales ang siyang may pinakamalaking bilang ng mga katutubo sa Central Luzon at maging ang kanilang mga lupang minana pa sa kanilang ninuno ay sinasakop na ng malawakang mining operation sa Zambales kung kaya ang panawagan ng kaparian at simbahan ay sumusuporta sa panawagan ng pagpapahinto sa mining operation sa lalawigan.

    Idinagdag pa ni Lopez na may katapusan ang paghihirap at hindi lamang suspension ang gusto nito kundi alagaan ang kalikasan, at isa na rito ang programang agro-fotestry ng DENR na mapapakinabangan ng mga residente na apektado ng pagmimina.

    Nagsagawa naman ng “stage rally” ang Defend Zambales at mga estudyante mula sa Sta. Cruz National High School bilang pagpapakita ng kanilang pagtutol sa malawakang pagmimina.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here