Home Headlines Baliwag, pang-4 na lungsod na sa Bulacan

Baliwag, pang-4 na lungsod na sa Bulacan

486
0
SHARE
Si Baliwag Mayor Ferdie Estrella ng makapanayam ng Punto! matapos ang canvassing ng cityhood plebiscite. Kuha ni Rommel Ramos

BALIWAG, Bulacan — Isa nang ganap na lungsod ang munisipalidad ng Baliwag matapos na manalo ang “Yes” sa ginanap na plebisito nitong Sabado.

Nakakuha ang pabor sa cityhood ng kabuuang boto na 17,823 habang 5,702 naman ang bumoto ng “No” mula sa mahigit 100,000 registered voters.

Dahil dito ang Baliwag ang ika-apat na lungsod sa Bulacan kasama ang San Jose Del Monte, Malolos, at Meycauyan.

Ang plebisito ay ginanap mula alas-7 ng umaga hanggang alas-tres nitong Sabado sa mano-manong botohan.

Nagsimula ang bilangan ganap na alas-4 ng hapon at natapos pasado alas-10 ng gabi.

Personal na minonitor ni Commission on Eelections chairman Atty. George Erwin Garcia ang kahabaan ng botohan. Aniya, naging maayos at mapayapa naman ang nasabing plebisito.

Natutuwa naman si Baliwag Mayor Ferdie Estrella sa naging resulta ng plebisito dahil aniya ay mas malaki pa ang magiging potensyal ng pag-unlad ng kanilang lugar dahil isa na itong lungsod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here