BALIKATAN 09
    Balik-tanaw sa pagtutulungan ng sundalong Pilipino-Amerikano

    513
    0
    SHARE
    CABANATUAN CITY – Nagbalik tanaw sa kasaysayan ng pakikidigma ng kanilang angkan ang mga sundalong Amerikano na kalahok sa Balikatan military exercises nang magtungo sa Pangatian Shrine, dito kamakalawa.

    Ang Pangatian Shrine ay lugar kung saan naganap ang tinaguriang Great Raid. May 516 na Amerikanong prisoners of war (POW) ang iniligtas ng magkasamang puwersa ng  Amerikano at gerilyerong Pilipino ang nailigtas mula sa pahirap ng mga Hapon noong Enero 30, 1945 sa naturang lugar.

    Task Force Magsaysay Civil Military Operations (CMO) Officer  Major Mark Juvenal Tayamen, ay nanguna sa magkasanib na puwersang kalahok sa Balikatan ’09 sa paglilinis ng Pangatian Shrine.

    Karamihan umano sa tropang kalahok mula sa Aemrika, na mula sa 294th Infantry Regiment, ay may mga kamag-anak na nakilahok sa pagliligtas noong 1945 na ibinida sa isang banyagang pelikula na may pamagat na “Great Raid.”

    May 287 sundalong Amerikano ang kalahok ngayon sa 25th joint RP-US Balikatan military exercises., bahagi nito ay sa Fort Magsaysay military reservation, Palayan City, ayon kay Lt. Col. George Charfauros, commander ng 294th Infantry Regiment.

    May 140 naman ang mga Pilipino.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here