Home Headlines Balik Eskwela Diskwento Caravan idinaos sa SJDM

Balik Eskwela Diskwento Caravan idinaos sa SJDM

512
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — May 37 Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang lumahok sa idinaos na Balik Eskwela Diskwento Caravan sa lungsod ng San Jose del Monte.

Kabilang sa mga ibinentang produkto ang school supplies; canned goods; fashion at home accessories; tinapay; at mga medicinal, beauty at hygiene products.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) OIC-Regional Director Brigida Pili, ang Diskwento Caravan ay flagship program ng ahensya at isang public-private sector convergence na nagnanais ilapit sa mga mamimili ang mga murang produkto.

May 37 Micro, Small and Medium Enterprises ang lumahok sa idinaos na Balik Eskwela Diskwento Caravan sa lungsod ng San Jose del Monte. (CSJDM PIO)

Ilan sa mga exhibitors na lumahok ang Pandayan Bookshop, Philippine Christian Bookstore, C-Point Shoe Store, Evaristo Shoes-Marikina, EMB Leather Goods Trading, Jicen Trendy Collections, Marby Food Ventures, Mega Global Corporation, at Universal Canning Incorporated.

Samantala, inilahad ni Pili na patuloy ang kanilang pagbibigay ng tulong pagkabuhayan sa mga nasalanta ng kalamidad sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa.

Dito nagkakaloob ang DTI ng halagang P10,000 hanggang 15,000 para sa sari-sari store at bigasan packages. (CLJD-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here