Balak ipagawa, di raw solusyon sa tubig baha?

    392
    0
    SHARE
    Tama bang baguhin ang malayang daloy
    Ng agos sa ilog, na kagaya nitong
    Diyan sa Sulipan – kung saan naroon
    Ang isang uri ng “flood water diversion?”

    Na ipinagawa ng pamahalaan
    Upang harangin ang malayang daloy r’yan
    Ng tubig baha sa ating kailugan
    Na nanggagaling sa mataas na lugar?

    Na naging sanhi ng pagbabaw sa ngayon
    Ng ilog sa Macabebe at Masantol,
    Pati ang iba pa na kagaya nitong
    Sa parteng Minalin, na daanan noon

    Ng mga karatig lugar ng nasabing
    Bayan na kung saan bangka ang palaging
    Sinasakyan kapag gustong makarating
    Sa Guagua ang ibang kababayan natin.

    Upang mamili o may paninda kaya,
    Ang taga Tacasan, Dawe at Maniwa;
    Liban sa ibang bagay na ibinabangka
    Ng mga tao r’yan n’ung di pa ginawa

    Ang istrakturang yang sa buong akala
    Marahil ng ating gobyerno’y yan na nga
    Ang solusyon upang mapigil ang baha,
    Pero lalo lamang yatang nagpalala;

    Sa dating situasyon, ang kasalukuyang
    Matinding pagbaha sa nasabing lugar
    Pagkat anhin man yata nating iwasan
    Ay di mapigil ang Inang Kalikasan.

    Na nilalang din ng Panginoong Diyos,
    Na kahakibat ng buong Sangsinukob,
    Sa pagbalanse ng lahat sa pag-inog
    Ng mundo, kasama na ang paghambalos!

    Kapag inabuso nating kagaya n’yan
    Ang sa ati’y kusa Niyang inilaan;
    Pagkat planadu na ang anumang bagay
    Na nilikha ng Diyos sa Sangkatauhan!

    Kaya ano’t ating panghihimasukan
    Ang sangkap ng mundo na Kanyang nilalang?
    Gaya ng paglihis natin sa daanan
    Ng tubig sa ating mga kailugan?

    Kung saan Siya ang gumawa ng ilog
    Pero pilit nating binabagong lubos
    At iniiba ang daanan ng agos,
    (Kaya galit na nga marahil ang Diyos?)

    Gaya nitong plano ng gobyerno ngayon
    Sa Guagua – imbes na lalaliman na lang ‘yon
    Ay proyektong “totally river diversion”
    Itong naisipan sa ‘Sapang Maragul”.

    Kung saan ang apektadong residente
    Ay di lang marahil mga siyento beinte,
    Kaya naisipan po nilang mag-“rally”
    Nang dumalaw sa Guagua ang Presidente.

    Kaya lang bunsod ng paglansag daw yata
    Ng mga pulis sa piket na ginawa
    Ng mga nag-“rally,” ay ni hindi yata
    Nakalapit man lang sa Ina ng Bansa!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here