Bakla ang karibal ni Mariel Rodriguez kay Zanjo Marudo

    313
    0
    SHARE
    Ayon sa isang source, mismong si Mariel Rodriguez ay umaming selosa siya, gusto raw nitong maging kanya lang si Zanjo Marudo dahil mahal nga raw niya ito.

    Exclusive lang daw sa kanya si Zanjo pero paminsan-minsan, naba-bother daw itong si Mariel kahit na sa mga bading na lumalapit sa kanyang dyowa.

    Heto ang isang kuwento na kaugnay ng pagiging selosa ni Mariel.

    Kuwento sa amin ng isang reporter, mahilig daw si Mariel na magdala ng kung anu-anong pagkain para kay Zanjo lalo na kung may shooting ito sa malapit lang na puwdeng puntahan. Lagi raw, may dalang mga goodies especialy nga ‘yung paborito ni Zanjo. Mariel really goes out of her way para nga silipin si Zanjo sa mga sked nito.

    Minsan daw, nasa bahay lang si Zanjo at nagpahinga. Naisipan daw ni Mariel na dalhan ng pagkain ang boyfriend. At dahil nga sanay na ito, tuloy-tuloy na si Mariel na pumasok sa kuwarto ni Zanjo. Sukat daw ba namang tumabad kay Mariel yung isang bading na signer na natutulog sa kama ni Zanjo.

    Explain-to-death daw si Zanjo kay Mariel na inabot lang talaga ng pagod ang singer na dumalaw lang sa kanya dahil may something or what, naidlip lang daw ang singer. Bitin nanam ang kuwento sa amin, na itong si baklang singer ba ay nagsdingat nakakomprontahan ni Mariel? Basta’ng malinaw, na-pacify ni Zanjo ang girlfriend at napaniwala sa kanyang paliwanag dahil nga malaki naman ang tiwala ni Mariel kay Zanjo.

    Pero malinaw na selos na selos si Mariel sa bading although, kaibigan din niya ito yung baklang singer.

    Sino nga kaya yung bading na singer na ito nadatnang natutulog ni Mariel sa kama ni Zanjo Marudo?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here