Tama lang marahil at napapanahon
Ang panukala ng isa nating Solon
Na kung saan itong kumpanya ng Cellphone
Ay dapat magbigay ng konsiderasyon;
Na huag nang isingil sa mga subscribers
Ang serbisyo nila sa text o SMS,
At kung bakit ito’y may ‘expiration date’
Gayong kumbaga sa bilihin ay ‘prepaid’?
Kung yan ay malabo nilang mailibre
Sa atin ng basta ganoon kasimple,
Sana ay huag namang ganito kagrabe
Ang tila masahol pa sa pang-oonse
Na klase o uri ng pagpapatakbo,
Nitong kundi man po masasabing tuso
Ay baka higit pa sa bwitre kung ito
Ay magpakabusog sa ganyang negosyo!
Ano ba naman pong klase ng katwiran
Ang ipinahayag ng mga ‘bossing’ n’yan,
Na diumano kapag inilibre po yan
Ang kanilang ‘system’ ay ma-apektuhan?
Ng ‘overloading’ daw? Kung ang ‘prepaid’ texting
Ay di mapapaso o di gagamitin?
Di ko sinasabing sila’y sinungaling,
Pero di ba’t panloloko kung isipin?
Eh bakit sa ibang bansa na kagaya
Ng Saudi at iba pang lugar sa Asya?
Diyan, ang ‘providers’ ng ganitong sistema
Ay walang ‘expiry date’ ang pag-‘load’ nila.
At ang isa pa r’yang di kanais-nais
Sa kung anong klase nilang ‘network service’,
Ano’t pasaload lang ay dalawang ulit
Kung ibawas yan sa load natin ng bwisit?
Bukod d’yan ay mayrun ding isang klase pa
Ng pakulo itong ‘anak ng tinapa’,
Kung saan pati ang ‘advertisements’ nila
Ay sa atin din n’yan ipinakakarga.
Eh bakit nga hindi kung katulad nitong
Kamukat-mukat mo’y zero balance itong
Ipina-load mo sa ‘yong sariling cellphone,
Bunsod ng kung anong ads ng mga mokong?
Na kahit pa man yan ay ‘unsolicited’
Ay sa ‘subscribers’ pasimpleng inu-mit,
Nitong alin po riyang cellphone companis
Na ‘tubong lugaw’ sa posibleng ‘malpractice’!
Sana, sa puntong yan paka-susuriin
Nitong mambabatas nating si Crispin,
Ngayo’t ang naunang isang Remulla rin
Na nagpanukala ng ganya’y tutol din;
Na isingil nitong alin mang kumpanya
Ng cellular phone ang di dapat ikarga
Sa prepaid load nitong consumers po nila
Ang anumang bagay na dapat kanila.
Gaya na lang nitong nasabi na natin
Na di po marapat isingil sa atin;
Yan kundi man pagnanakaw kung ituring
Ay malinaw na pamimihasa na rin;
Sa dugo at pawis ng mga ‘subscribers’
Na tunay namang din pong lubhang ‘affected’
Sa kung anu-anong r’yang ‘unsolicited’
Na ads nila – pero sa ‘tin ‘collected’!
Ang panukala ng isa nating Solon
Na kung saan itong kumpanya ng Cellphone
Ay dapat magbigay ng konsiderasyon;
Na huag nang isingil sa mga subscribers
Ang serbisyo nila sa text o SMS,
At kung bakit ito’y may ‘expiration date’
Gayong kumbaga sa bilihin ay ‘prepaid’?
Kung yan ay malabo nilang mailibre
Sa atin ng basta ganoon kasimple,
Sana ay huag namang ganito kagrabe
Ang tila masahol pa sa pang-oonse
Na klase o uri ng pagpapatakbo,
Nitong kundi man po masasabing tuso
Ay baka higit pa sa bwitre kung ito
Ay magpakabusog sa ganyang negosyo!
Ano ba naman pong klase ng katwiran
Ang ipinahayag ng mga ‘bossing’ n’yan,
Na diumano kapag inilibre po yan
Ang kanilang ‘system’ ay ma-apektuhan?
Ng ‘overloading’ daw? Kung ang ‘prepaid’ texting
Ay di mapapaso o di gagamitin?
Di ko sinasabing sila’y sinungaling,
Pero di ba’t panloloko kung isipin?
Eh bakit sa ibang bansa na kagaya
Ng Saudi at iba pang lugar sa Asya?
Diyan, ang ‘providers’ ng ganitong sistema
Ay walang ‘expiry date’ ang pag-‘load’ nila.
At ang isa pa r’yang di kanais-nais
Sa kung anong klase nilang ‘network service’,
Ano’t pasaload lang ay dalawang ulit
Kung ibawas yan sa load natin ng bwisit?
Bukod d’yan ay mayrun ding isang klase pa
Ng pakulo itong ‘anak ng tinapa’,
Kung saan pati ang ‘advertisements’ nila
Ay sa atin din n’yan ipinakakarga.
Eh bakit nga hindi kung katulad nitong
Kamukat-mukat mo’y zero balance itong
Ipina-load mo sa ‘yong sariling cellphone,
Bunsod ng kung anong ads ng mga mokong?
Na kahit pa man yan ay ‘unsolicited’
Ay sa ‘subscribers’ pasimpleng inu-mit,
Nitong alin po riyang cellphone companis
Na ‘tubong lugaw’ sa posibleng ‘malpractice’!
Sana, sa puntong yan paka-susuriin
Nitong mambabatas nating si Crispin,
Ngayo’t ang naunang isang Remulla rin
Na nagpanukala ng ganya’y tutol din;
Na isingil nitong alin mang kumpanya
Ng cellular phone ang di dapat ikarga
Sa prepaid load nitong consumers po nila
Ang anumang bagay na dapat kanila.
Gaya na lang nitong nasabi na natin
Na di po marapat isingil sa atin;
Yan kundi man pagnanakaw kung ituring
Ay malinaw na pamimihasa na rin;
Sa dugo at pawis ng mga ‘subscribers’
Na tunay namang din pong lubhang ‘affected’
Sa kung anu-anong r’yang ‘unsolicited’
Na ads nila – pero sa ‘tin ‘collected’!