Sakali’t totoo na pag-aari nga
Ng Pangulo ang bahay na ginagawa
Sa Lubao – ano’t kailangang ipagkaila
Kung ang pera ay di galing sa masama?
At isang Presidential Security Guard
Ang nagsabing kanya yata ang ‘house & lot,’
Nang usisain lang ng mamamahayag
Ang nasabing sekyu na halatang ilag.
Sa simpleng tanong ng lumapit na media,
Kung ang may-ari ay si Madam talaga
Sa itinatayong bahay na kay ganda
Na pihong milyones na rin ang nagasta.
Kung saan baka ang naturang PSG
Ay nataranta lang kaya n’yan nasabi
Na siya ang “owner” ng “subject property”
Gayong siya’y isa nga lang “security,”
At kahit dalawang haligi po lamang
Ng napakagarang bahay na naturan
Ay baka di nito maipatayo riyan,
Sa puedeng kitain n’yan sa Malakanyang.
Di sa pangungutya sa nasabing guardya,
Kundi ang atin ay “obvious” lang di po ba?
Buti pang di nito inako na siya
Ang may-ari para mas ligtas kumbaga
Sa anumang hindi marapat pagmulan
Ng alingasngas sa bagay na naturan;
Gaya nitong bakit nga po ba kailangang
Itago ang “owner” at akuin po n’yan
Ang pagmamay-ari – na kaduda-duda
Pati ang reaksyon ng nasabing guardya,
Habang patalilis na iniwanan niya
Itong Reporter na nagtanong sa kanya.
Manong sinabi niyang siya’y tsuper lamang
Nitong “contractor” ng ginagawang bahay;
Nang sa gayo’y malayo siyang pag-isipan
Na may anomalyang gusto niyang pagtakpan.
Na kagaya nitong kung bakit dapat niyang
Itago kung sino ang may-aring tunay,
Kung di rin lang naman ninakaw ang perang
Inilaan para sa pagpapagawa n’yan?
Bakit nga po kasi kailangang itago
Kung di rin lang naman may bahid ng baho?
Itong diumano’y si Pangulo nga po
Ang nakikita nilang dito nagtutungo.
Tuwing namamasyal dito sa Pampanga,
Partikular sa distrito kung saan siya
Hahabol po yata bilang Kongresista,
Kaya malimit siyang dito bumisita.
At natural lang na bilang Kinatawan
Ay posibleng dito maglalagi si Mam
Para mapalapit sa nasasakupan;
(Ya’y kung mananalo siya sa halalan.)
Kasi kung tulad n’yan na di pa man nga po
Ay tila mayroon nang itinatago;
At ang posibleng kaagaw ay kadugo,
Ay baka mauwi lang sa pagkabigo
Ang hangarin niyang makapanatili
Sa pamahalaan ang kanyang sarili,
(Kung kaya nga’t kahit na Representante
Ay susunggaban ng naging Presidente?)
E pa wari sapat ing pilan nang banua
A pamanungkulan yu ba’nang paynawa?
Paburen yu no’ reng aliwa, ban keta
Ila namang makasuyu king Pampanga!
Ng Pangulo ang bahay na ginagawa
Sa Lubao – ano’t kailangang ipagkaila
Kung ang pera ay di galing sa masama?
At isang Presidential Security Guard
Ang nagsabing kanya yata ang ‘house & lot,’
Nang usisain lang ng mamamahayag
Ang nasabing sekyu na halatang ilag.
Sa simpleng tanong ng lumapit na media,
Kung ang may-ari ay si Madam talaga
Sa itinatayong bahay na kay ganda
Na pihong milyones na rin ang nagasta.
Kung saan baka ang naturang PSG
Ay nataranta lang kaya n’yan nasabi
Na siya ang “owner” ng “subject property”
Gayong siya’y isa nga lang “security,”
At kahit dalawang haligi po lamang
Ng napakagarang bahay na naturan
Ay baka di nito maipatayo riyan,
Sa puedeng kitain n’yan sa Malakanyang.
Di sa pangungutya sa nasabing guardya,
Kundi ang atin ay “obvious” lang di po ba?
Buti pang di nito inako na siya
Ang may-ari para mas ligtas kumbaga
Sa anumang hindi marapat pagmulan
Ng alingasngas sa bagay na naturan;
Gaya nitong bakit nga po ba kailangang
Itago ang “owner” at akuin po n’yan
Ang pagmamay-ari – na kaduda-duda
Pati ang reaksyon ng nasabing guardya,
Habang patalilis na iniwanan niya
Itong Reporter na nagtanong sa kanya.
Manong sinabi niyang siya’y tsuper lamang
Nitong “contractor” ng ginagawang bahay;
Nang sa gayo’y malayo siyang pag-isipan
Na may anomalyang gusto niyang pagtakpan.
Na kagaya nitong kung bakit dapat niyang
Itago kung sino ang may-aring tunay,
Kung di rin lang naman ninakaw ang perang
Inilaan para sa pagpapagawa n’yan?
Bakit nga po kasi kailangang itago
Kung di rin lang naman may bahid ng baho?
Itong diumano’y si Pangulo nga po
Ang nakikita nilang dito nagtutungo.
Tuwing namamasyal dito sa Pampanga,
Partikular sa distrito kung saan siya
Hahabol po yata bilang Kongresista,
Kaya malimit siyang dito bumisita.
At natural lang na bilang Kinatawan
Ay posibleng dito maglalagi si Mam
Para mapalapit sa nasasakupan;
(Ya’y kung mananalo siya sa halalan.)
Kasi kung tulad n’yan na di pa man nga po
Ay tila mayroon nang itinatago;
At ang posibleng kaagaw ay kadugo,
Ay baka mauwi lang sa pagkabigo
Ang hangarin niyang makapanatili
Sa pamahalaan ang kanyang sarili,
(Kung kaya nga’t kahit na Representante
Ay susunggaban ng naging Presidente?)
E pa wari sapat ing pilan nang banua
A pamanungkulan yu ba’nang paynawa?
Paburen yu no’ reng aliwa, ban keta
Ila namang makasuyu king Pampanga!