At nagsilbi siya nang di lang ‘sang-linggo
Kundi ng ilang buwan din sa Kapitolyo,
Kaya’t marapat lang sa naturang punto
Na mapabilang din ang pag-upo nito;
Bilang isa sa ‘ting mga Gobernador
Na naging bahagi ng ating kahapon,
Upang maituwid sa takdang panahon
Ang dapat isusog sa istorya ngayon.
Ganun din naman kay BM Edna David
Na umupo noong ‘suspended’ si Lapid,
Yan sa pag-upo niya ng kung ilang ulit
Kabilang na dapat sa ‘chief executive’;
O naging Governor dito sa Pampanga,
Kasama ng ibang posibleng hindi pa
Nabigyan ng marapat na pagkilala
Ng kung anong ‘historical society’ ba? .
Na dapat manguna, gaya halimbawa
Nitong NHI na siyang kumakalinga,
Sa kung anu-anong ‘heritage’ po yata
Na dapat i-‘preserve’, saka maitala.
Partikular na sa “Kasaysayang Bayan”
At iba pang bagay na may kinalaman,
Sa ‘local history,’ kasama na po r’yan
Ang kung sinu-sinong mga nanungkulan.
Mula sa itaas o sa Malakanyang,
At iba pang sangay ng pamahalaan,
‘Down to the lowest level’o sa barangay
Upang maitala sa ‘ting kasaysayan!
At marapat lang na mapangalagaan
Ang alaala ng mga nakaraang
Naging gobernador o public official
Kahit ilang araw lang na nanungkulan;
Pagkat kagaya nga ng ating nasabi
Ay di po marapat na maisantabi,
Ang kahalagaan sa ating ‘history’
Ng anumang bagay na dapat itabi.
Na kagaya nga ng naging papel nina
Atty. Punsalan at Board Member Edna;
Kung saan tunay namang naglingkod sila
Bilang mapuring Governor ng Pampanga!
Kung ang dorobo at mga walanghiya
Ay isinasama sa naging dakila,
Itong mabubuting opisyal pa kaya
Ng ating gobyerno itong mawawala?
At saka anumang naging bahagi na
Ng kasaysayan ay dapat ipreserba,
Kaya’t nararapat po lamang talaga
Na maisama si Cicero at Edna;
Sa marapat bigyan ng ‘due recognition’
Bilang opisyal na naging Gobernador,
Since both deserve to have a niche of their own
At the lobby of our Provincial Capitol;
O king balkonahe na ning Kapitolyu
A nu’ pakasabit la ken ding litratu
Ding menungkulan a gubernador tamu
Ibat king samula angga kang Panlilio!