Bilang katugunan marahil sa ating
Katanungan sa Tourism Office, hinggil
Sa inalis nilang litrato sa dingding
Ng mga naging Guv, ya’y binalik na rin;
At inilipat lang ang kinalalagyan
Ng mga litrato n’yan sa magkabilang
Dingding ng hagdanang paakyat sa unang
Palapag ng ating tanggapang probinsyal.
Sa madaling sabi, inilabas na nga
At ngayo’y wala nang peligrong masira
Sa kung saan lang yan itinambak kusa
Ng kung sinong otoridad na burara?
At nang usisain nga natin kung bakit
Inalis kung saan dating nakasabit,
Yan pala’y balak na ipapinta ulit
Upang ang lahat na ay medyo kuminis.
Nakadisenyo na sa kasalukuyan
Ang puesto kung saan ang bawat larawan
Ay nakahilera sa pagsasabitan,
Kung kaya’t tiyak nang maibabalik yan.
Pero kaugnay n’yan ating naitanong
Ang hinggil sa iba pang naging Governor,
Na di nabigyan ng marapat na aksyon
Upang opisyal na makasama roon;
Gaya halimbawa ni Cicer Punsalan
Na naging Governor din ng lalawigan;
Ano’t si Attorney ay di napabilang
Sa hanay ng naging Gobernador po r’yan?
Gayong si Cicero ay di lang umakto
Bilang “care taker” sa ating Kapitolyo,
Kundi Governor na – nang si Estelito
Ay maging Minister of Justice po ito;
At siyang Solicitor General din noon
Liban sa iba pa nitong affiliation,
Kaya’t nang lisanin tayo ni Ka Titong
Ay si Cicer na ang naging Gobernador!
Bise gobernador noon si Punsalan
Kaya’t siya itong talagang opisyal
Na makakapalit at uupo bilang
Isang legitimate na Governor po riyan!
At nagsilbi siya nang di lang ‘sanlinggo
Kundi buwan din ang inabot po nito,
Kaya’t kamaliang malaki siguro
Kapag hinayaan natin ang ganito!
Ganun din naman kay Madam Edna David
Na umakto noong suspended si Lapid,
Yan sa pag-upo niya ng dalawang ulit
Kasama rin dapat sa commemorative.
Marapat lamang na mapangalagaan
Ang alaala ng mga nakaraang
Naging gobernador sa ating lalawigan,
Kahit ilang araw lang na nanungkulan
Bilang manunulat o mamamahayag
Marami na tayong ulat na nakalap,
Kung saan ang iba nga ay kinse dias
Lang umupo pero kabilang at sukat.
Pagkat kaugnay ng ating preserbasyon
Sa alaala ng naging Gobernador
Ang lahat ay dapat maitala ngayon
Bilang bahagi ng nagdaang panahon!