MADALAS ang inyong abang peryodista
nakakapakinig sa dinaraos na
sesyon ng konsehong mga pangprobinsya
at sa ilan pa r’yang pambayan pati na.
Kung saan dahil sa English ang opisyal
na ginagamit sa usaping pambayan,
di lahat matatas mangusap kung minsan
kaya marami ang nakikinig na lang.
At hindi na halos nakikisali pa
sa deliberasyon itong bantulot na
makisawsaw pa suhestyon ng iba
hanggang sa matapos itong sesyon nila.
Ito namang iba, na kahit masakit
pakinggan ang medyo baluktot na English,
makapagpasikat lang ay pipinilit
n’yan na masabi ang nais na igiit.
Higit marami ang nagkakanda-utal
sa pagsasalita, kaya mas mainam
na marahil itong ang salita ni Sam,
iyetse puera na yan sa pang-munisipal.
Kundi ang higit at kailangang gamitin
ay ang Pilipino na talagang atin,
at saka na lamang sa English isalin
ng mga pang-Sangguniang kalihim.
At kung saan kungdi rin sila matatas
sa salitang hiram natin kay Balagtas,
ang kay Crissot itong salitain dapat
nang sila ay hindi magkakanda-kakak!
Partikular dening bait Capampangan,
antining iti yang salita rang menan,
a kesanaya da na reting gagamitan
ibat pa king deti anak lang maintang.
At ban keta e la lunto pikaylian da
at pamagsisti reng daramdam karela,
neng pipilitan den itang mag-inglis la
king agyang ing tutu deti e la biasa.
Obat pilitan den ing e ta’ sarili
a indam tamu pin o dela ra keti
ding daywan, antining e ta’ neman bandi
nu’ne i Sam mu ing migdala kaniti?
Sa Congress, sa Senate, diyan nararapat
gamitin ang English, sanhi nitong lahat
halos ng nandiyan ay taglay ang sapat
na edukasyon at mataas na antas.
At nang dahil na rin sa salitang English
nakasulat itong ating ‘social justice,’
Pati na rin yata batas pandaigdig,
ang ‘bopol’ ay ‘excuse’ kahit di mag-inglis.
Pero iba na ang mahusay talaga,
na kahit minsan sa sobrang dunong nila
ay dinadaya na tayo riyan ng iba,
pero tuwing halalan nanalo sila.
Pagkat mahusay nga’t kayang bolahin n’yan
ang nakararami nating kababayan,
di kagaya nitong tama’t di ‘corrupt’ yan,
pero natutulog naman sa pansitan!