PATULOY ang bakbakan sa second season ng star seach ng CLTV 36 at Robinson’s Starmill. Nasa ikatlong linggo na sila ng finals and this time, siyam na lang ang natitira sa dati’y labing anim.
Ginanap ang labanan sa pamamagitan ng live telecast mula sa Robinson’s Balibago. On Saturday, July 26, muli nilang ibabalik ito sa Robinson’s Starmill sa City Of San Fernando.
Ang siyam pang maglalaban-laban ay sina JD, Barbie, Rica , John Dale, Sherlette, Chloe, Lemuel, Liezel at Louise Ann.
Apat sa kanila ay taga-Pampanga at ang nangunguna who garnered the highest points ay si Barbie Manalo. Very proud an g pamilya ni Barbie who were all there to support her. Matapso i-announce ang resulta ng finals ay tuwang-tuwang lumapit ang lola niya sa mga orghanizer to tell them siya ang lola ni Barbie.
Halos maiyak naman ang nanay ni Barbie na talaga namang punung-puno ng emosyon. Isa pang taga-Pampanga ay si JD Simon na isang estudyante mula sa Angeles city. Present din ang buong pamilya ni JD to lend support, pati lola niya ay naroon din who is very proud sa pananalo ni JD.
“Exams , po ni JD kaya doble ang ginawa niyang paghahanda, salamat na lang, nakayanan niya,” sabi pa ng nanay ni JD.
Sa Sabado, muling masasaksiahan ang contest live na telecast sa CLTV 36, sa ganap na alas siyete ng gabi, tumutok na po kayo.