Kumuha ng mga ebidensya ang mga engineers ng DPWH at may bukod ding lag-iimbestiga ang City Engineering Office ng kapareho ding pagsusuri.
Nilagare ng mga ito ang mga metal sheet para matukoy kung ano ba talaga ang dahilan ng pagsabog.
Una dito ay inalis na sa imbestigasyon ang kasong pananabotahe o sadyang pinasabog ang tangke matapos magnegatibo sa pagsusuri ng EOD at maging ang isinagawang post blast investigation ng Philippine Army.
Ayon kay SPO1 Christopher Vicente, PCP3 commander ng SJDM PNP, inalis na nila ang angulo ng sadyang pagpapasabog sa nasabing tangke ng tubig base na rin sa resulta ng imbestigasyon.
Ani Vicente, sa ngayon ay ang mga eksperto naman ang mag-iembistiga sa istraktura ng tangke matapos ang SOCO, EOD at Philippine Army.
Dagdag pa niya kung sakali naman na nais magdemanda ang mga biktima sa SJDM Water District sa pagsabog ay handa silang tulungan ang mga ito upang maisampa ang kaso upang mapanagutan ang nangyari sa kanila.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy parin ang clearing operation ng lokal na pamahalaan sa blast site.