Bahay ng trader ni-raid, baril at bala nasamsam

    373
    0
    SHARE

    SAN MARCELINO, Zambales — Nakasamsam ng mga baril at bala ang mga elemento ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team (ZCIDT) nang kanilang salakayin ang bahay ng isang negosyante sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

    Ayon kay ZCIDT provincial officer, Chief Insp. Ruben Tampis, ang pagsalakay ay isinagawa dakong alas-9 ng umaga sa bahay ni Richard Luna ng Barangay La Paz, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Olongapo City Judge Richard Paradeza ng Regional Trial Court  Branch 72.

    Nakuha sa bahay ni Luna ang isang baby armalite na may 27 bala  at isang 12-gauge shot gun na may apat na bala.

    Ayon sa ulat, ang suspek ay wala sa kanyang bahay nang isagawa ang pagsalakay.

    Ang suspek ay ipinagharap na ng kasong paglabag sa  PD 1866 (illegal possession of firearms and ammunitions).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here