SAN MIGUEL, Bulacan – Nababalot ng tension ang bayang ito matapos pagbabarilin ang bahay ng isang kapitan ng barangay kahapon ng madaling araw ng tatlong di-kilalang lalaki, dalawang linggo nang unang pagtangkaan ang kanyang buhay.
Ayon kay Melvin Santos, 27, binata at kapitan ng Barangay Camias, tatlong kalalakihang nakasakay sa dalawang motorsiklo ang bumaril sa kanyang bahay kahapon ng alas-2:20 ng madaling araw na naging dahilan upang masira ang official vehicle ng barangay na nakaparada sa harap ng kanyang bahay.
Ang pamamaril sa bahay ni Santos ay naganap dalawang linggo matapos niyang maiwasan ang tangkang pananambang sa kanya, at ilang araw matapos siyang magsampa ng kasong abuse of authority sa Ombudsman laban sa mga kasapi ng Sanggguniang Bayan.
Ayon kay Santos, dumating siya sa kanyang bahay bandang ala-1 ng madaling araw kahapon at kasalukuyang nagkakape kasama ang ilang tauhan at kaibigan ng paputukan sila.
Gumanti ng putok ang kanyang mga kasama, ngunit agad na nakaalis ang tatlong suspek sakay ng isang Enduro Motorycle at isang motorbike.
Narekober naman ng pulis ang apat na basyong bala mula sa kalibre .45 sa pinangyarihan ng barilan, samantalang nangako si Mayor Roderick Tiongson na paiimbestigahan ang insidente.
Ayon kay Santos, malaki ang posibilidad na pulitika ang dahilan ng pamamaril sa kanya.
Binanggit din niya na siya ay nangangamba na dahil na rin sa may mga katulad na insidente ng pamamaril sa bayang ito noong nakaraang taon kung saan ay unang nirapido noong Enero ang bahay ni ex-Mayor Edmundo Jose Buencamino sa Barangay San Vicente at ang bahay ni Engr. Constantino Pascual ng Rosemoor Mining and Development Corporation sa Barangay Salangan.
Ang dalawang naunang insidente ng pamamril ay kapwa hindi pa rin nareresolba ng pulisya. Bagama’t hindi na nasundan ang insidente kay Buencamino, si Pascual naman ay napatay sa kasunod na pananambang noong Hunyo 8 sa Barangay Sta. Rita ng bayang ito.
“May pattern na sa iba yung pamamaril, natatakot ako na baka magaya kay Tino (Pascual), ani Santos.