Bahay ng alkalde, alyado, nilusob ng mga pulis

    375
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG CABANATUAN – Umaabot sa 15 iba’t ibang kalibre ng baril ang narekober ng magkasanib na puwersa ng pulisya sa magkakasabay na paglusob sa bahay ni San Antonio Mayor Arvin Salonga at anim na sinasabing kaalyado nito sa San Antonio, Nueva Ecija nitong Lunes.

    Ang hinalughog, bukod sa bahay ni Salonga sa Barangay Poblacio, ay ang mga bahay nina Roberto Carpio, Barangay Luyos; Elpidio Sicat, Sto. Cristo; Joseph Guinto, Poblacion; Saturnino Miranda, Sta. Cruz; Hero Henson Garcia, Panabingan at Roy Juliano, Sta. Barbara.

    Ayon kay Senior Insp. Carlito Lopez, hepe ng San Antonio police, ang paghahaluhog ay ginawa sa pangunguna ng Philippine National Police’s Intelligence Group sa pamumuno ni Senior Supt. Allen Bantolo, at  Criminal Investigation and Detection Team (CIDT), Special Forces, Regional Mobile Group 3, at Nueva Ecija police provincial office (NEPPO).

    Sinimulan ang operasyon bandang alas-6:00 ng umaga at natapos dakong alas-11:00 ng umaga, ayon kay Lopez.

    Narekober ng mga pulis ang dalawang shotgun, isang baby Armalite, anim na cal. 45 pistols,isang .357 revolver, dalawang .22 rifles, isang  AK 47, isang  .9mm at isang galil, ayon sa ulat ng PNP-IG.

    Iniulat din na ang kumpiskasyon ng 12 bala para sa M203 at marami pang bala para sa iba’t ibang uri ng armas.

    Sinabi ni Lopez na ginawa ang pagsasaliksik sa bisa ng search warrants in ipinalabas ng hukuman dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 8294.

    Pero batay sa ulat ni Lopez, lahat ng nakumpiskang armas ay may kaukulang dokumento.”All seized items were covered by license (s),” saad ni Lopez sa kanyang ulat sa NEPPO.

    Ang mga nakumpsikang ebidensiya, dagdag niya, ay dinala sa Camp Olivas, Pampanga.

    Ayon sa isang opisyal ng pulisya, bagama’t wala si Salonga at iba pang kaalyado nito ng isagawa ang kumpiskasyon ay sasampahan pa rin ang mga ito ng kasong paglabag sa illegal possession of firearms.

    Kaugnay nito, noong Lunes din ay inalis si Lopez bilang hepe ng San Antonio at pinalitan ni Insp. Jaime Ferrer bilang officer-in-charge.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here