Bahay at hotel, tinupok ng apoy

    509
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG OLONGAPO – MILYONG pisong halaga ng mga ari-arian ang naabo ng tupukin ng apoy ang isang residential at katabi nitong hotel sa Barangay West Bajac-Bajac, sa lungsod na ito noong lunes ng madaling araw.

    Sa isinagawang imbestigasyon ni SFO3 Rolando Mallari, chief investigator ng Olongapo City Fire Department, nagsimula ang sunog bandang alas 5:00 ng madaling araw sa sala ng bahay na tinutulugan ng may-aring si Richmond Young Lam, 31-anyos at mabilis itong kumalat sa kabahayan na gawa sa kahoy hanggang sa makarating ito sa katabing Ideal Lodge.

    Tinatayang aabot naman sa P3.5 milyong piso ang halaga ang natupok sa nasabing sunog.

    Ang Ideal Lodge ay may 33 kuwarto na pag-mamay-ari ni Young Lam na matatagpuan sa No. 6, Caron Street, Barangay West Bajac-Bajac, dito

    Hindi naman nagawang mailabas ng biktima ang nasusunog na Honda CRV dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

    Maging ang mga alaga nitong imported na aso tulad ng golden retriever, mini pincher, Chihuahua, aquita (Japanese dog) at iba pang alagang hayop ay hindi nakaligtas sa sunog pati na ang mga gamit nitong baril na pang-competition.

    Sinabi ng biktima na nagawa nitong makalabas ng bahay sa pamamagitan ng pagdaan sa butas na lagayan ng aircondition unit ng kanyang bahay dahil ang lahat ng exit ng bahay ay nilamon na ng apoy.

    Ayon sa biktima wala namang iniulat na nasaktan at nasawi sa nasabing sunog habang patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi nito at ang eksaktong halaga ng pinsalang dulot nito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here