SUBIC BAY FREEPORT– Sa ilalim ng Bagwis Program ng Department of Trade and Industry, binibigyan ng nararapat na pagkilala ang mga establisyimentong nagtataguyod ng karapatan ng mga mamimili habang nagsasagawa ng responsableng negosyo kung saan ang mga mamimili ay nakakakuha ng pinakamahusay na halaga katumbas sa kanilang pera.
Labing-apat na DTI-Bagwis Certified establishments sa Olongapo City at Zambales ang ginawaran ng DTI-Zambales sa pakikipagtulungan ng Zambales Consumer Affairs Council ng Bagwis seal nitong Dec. 12 sa Royal Park Restaurant dito.
Hinihikayat din sa programang ito ang pag-set up ng consumer welfare desks o katumbas na tanggapan ng customer relations sa loob ng kanilang mga establisyimento na magbibigay ng impormasyon sa mga konsyumer at magsisilbing mekanismo para sa mabilis na pagresolba ng mga reklamo.
Ang 14 na tumanggap ng parangal ay kinabibilangan ng: Pan Appliance Corp. (Addessa Olongapo), Bricolage Philippines, Inc. (Mr. DIY-Waltermart Subic), Bricolage Philippines, Inc. (Mr. DIY-Baraca Camachile Subic), Bricolage Philippines, Inc. (Mr. DIY-Harbor Point Mall), Bricolage Philippines, Inc. (Mr. DIY-West Bajac-Bajac), Robinsons Supermarket Corp. (Robinsons Easymart), Sanford Marketing Corp. (Savemore Market-Iba), Meridien Business Leader, Inc. (The SM Store-SM Downtown), Main Shopping Princesa Phils., Inc. (The SM Store-SM City Olongapo Central), Abacus Book and Card Corp. (National Bookstore-SM City Olongapo Central), at Abacus Book and Card Corp. (National Bookstore-SM City Olongapo Downtown) para sa Gold Category.
Para naman sa Bronze Category, ang mga pinarangalan ay: Sabal Car Care Corp., Earthstones Floor Center, Inc., at AIED Auto Care Services (Rapide-Iba).