Dati palang karelasyon ni Alvi Casino ng Mara Clara ang sumisikat na actress na si Andi Eigernmann.
Mismong si Andi ang umaming nagkaroon daw sila ng relasyon noong hindi pa artista ang nasabing newbie at nag-break sila nang pumasok ito sa showbiz.
“Dati, wala pa siya sa showbiz. Pero nu’ng nag-showbiz ako, nag-showbiz na rin siya,” kuwento ni Andi.
“Eh, ’di po ba, sa showbiz, paghihiwalayin kayo? Kasi hindi kayo pareho ng ano, so, ganu’n. Pero kami lang dalawa rin ’yon. Hindi namin hinahayaang maka-affect ’yung trabaho namin sa showbiz. Para sa amin, if we’re meant to be, then we’re meant to be,” dagdag pa niya.
Maayos naman daw ang paghihiwalay nila at sobrang friends sila ngayon.
Hindi ba siya nagseselos kay Kathryn Bernardo (Mara), love interest ni Alvi sa Mara Clara?
“Ay, hindi po, fake lang naman ’yon, eh. At saka, friends lang kami ni Alvi ngayon at saka kung anuman ang desisyon niya, kung gusto niyang magka-girlfriend o hindi, okay lang,” katuwiran ng dalaga.
“Pero kasi po, masyadong mabait si Mara, hahaha, joke lang. Saka bata pa si Kathryn Bernardo, 14 lang, so, bagets pa,” dugtong pa ni Andi.
Alam daw niya ang mga crush ni Alvi sa showbiz at ito ay sina Maja Salvador at Anne Curtis.
Kung siya naman ang tatanungin, wala pa raw siya ulit bagong boyfriend dahil busy siya sa work. Sa ngayon, kasama siya sa Shake, Rattle & Roll 12, official entry ng Regal Entertainment sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
After Your Song, isang malaking project ulit ang naka-line-up sa kanya kung saan ang makakapareha niya ay si Coco Martin.