SAMAL, Bataan- Isang barangay sa bayang ito ng mga magsasaka at mangingisda ang hindi masyadong gumamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon at sa halip ay nilibang ang mga bata sa pagsayaw.
Sa Barangay Sta. Lucia ay nagpatugtog na lamang ng malakas habang sumasayaw ang mga bata at matanda mula alas-8 ng gabi ng Huwebes hanggang pasado alas-3 ng madaling araw ng Biyernes.
Halos mangilan-ngilan lamang ang narinig na tunog ng rebentador kahit mag-aalas-dose na ng hatinggabi sapagka’t natuon ang pansin ng marami sa pagsasayaw o panonood na lamang sa kanilang mga anak.
Ang iba naman ay pinalampas ang buong gabi sa pagkain, pag-inom ng beer at masayang kuwentuhan.
Sa Balanga City naman, apat ang naputukan ng piccolo at kuwitis mula alas-11:30 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-12:10 ng madaling araw ng mismong Bagong Taon. Isinugod ang mga ito sa Bataan General Hospital ngunit pinalabas na rin matapos malapatan ng lunas ang kanilang sugat sa daliri, kamay at balikat.
Naputukan na sa daliri si Rodente Bescayca, 20, ng Bagong Silang, Balanga bago niya malaman na bawal pala ang paggamit ng piccolo. Hindi na raw siya uulit magpaputok.
Ayon kay Senior Supt. Manuel Gaerlan, Bataan police director, sa buong lalawigan ay may siyam na nasugatan sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon subalit pawang mga maliliit na sugat lamang at walang nanatili sa ospital.