Bagong sistema ng batas?

    329
    0
    SHARE
    Kung kaya rin naman pala ng ‘Supreme Court’
    na ang ‘backlog’ at/o kaso r’yang inabot
    ng siyam-siyam maaring agarang matapos,
    sa isang araw lang, gaya ng na-resolved

    Na kaso ng apat-na-pung (40) mga preso
    sa Bataan District Jail nito lang akuwatro
    ng kasalukuyang buwan ng Agosto,
    na pinalaya ni Chief Justice Sereno

    Matapos syempre ang kaukulang ‘hearing’
    at mga proseso na kailangan sundin,
    At kung saan kakapusan lang marahil
    kaya wala silang tumatayong ‘counsel’

    Natural lamang na kahit simpleng kaso
    ya’y aabutin ng siyan-siyam sa husgado;
    At sa katagalan darami ng husto
    ang mga yan sa di pag-usad ng kaso.

    Idagdag pa natin itong malimit na
    pagliban sa ‘official duty’ ng iba
    nating ‘court personnel’ diyan na kagaya
    ng ibang ‘Your Honor’ at mga Piskal pa.

    Na puno’t dulo ng ‘postponement’ madalas
    ng ‘hearing’ – at d’yan ang pinakamasaklap
    matuloy at hindi si Attorney bayad?
    (nitong karaniwang tawag ay ‘appearance’).

    Kaya saan ngayon lalagay ang pobreng
    mga ‘inmates’ na kung minsan kahit kusing
    walang mahagilap ang pamilya mandin
    upang matugunan ang kaniyang gastusin?

    Kung saan abutin man ng daang taon
    Yan sa kulungan ay di magkakaroon
    Ng tsansang lumaya sa pagkakuong
    hanggang sa sila ay tuluyang ‘madedbol’.

    Kaya’t ang ‘Enhance Justice -on-Wheels’ ng ‘High Court’
    na binalangkas n’yan itong tanging sagot
    sa ubod katagal magawang ma-resolve
    ang kahit na simpleng kaso sa ‘Lower Courts’

    Mantakin mong itong ginawang pagbista
    Sa ‘98 cases,’ eksaktong (40) kuwarenta
    ang napalaya’t tuluyang naresolba
    ang kanilang kaso sa bagong sistema

    Na pinairal ni Chief Justice Sereno
    para mapadali ang tamang proseso
    na marapat sundin upang may may kaso
    na di naman ‘heinous’ mapalaya nito

    Sa inakda niyang ‘Enhance Justice on Wheels’
    (maliban sa sila’y nagbigay ng libreng
    ‘medical & dental services’ pa mandin
    sa naturang ‘inmates’ matapos ang ‘hearing’.

    Nabigyan din naman ng ‘legal assistance’
    ang mahigit otsenta (80) na nasa piitan,
    Kung kaya’t posibleng isang bista na lang
    tapos na rin yan sa ‘hearing’ na kailangan.

    Ang nangyaring yan sabi ng RTC Judge
    ‘is a good example of judiciary’s love
    to the poor, as well as to the innocents, that
    had nothing to pay for their defense cost so much.

    At sana di lamang parang ningas kugon
    ang pangyayaring na siyang tanging tugon
    sa ‘justice system’ na dating “usad pagong”
    dala ng aywan kung kailangan ay suhol?

    Upang umusad ang kaso sa Hukuman
    partikular na riyan sa hirap ang buhay,
    Na walang makapa sa kanyang lukbutan
    para ibayad sa kanyang kalayaan?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here