MAY bago nang pamunuan ang Philippine Movie Press Club (PMPC). Ginanap ang halalan noong Biyernes ng gabi, Jan 8, 2010, sa mismong opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City.
Si Melba Llanera, na Vice President noong isang taon, ang iniluklok na bagong President. Si Mell Navarro, na Secretary noong mga nakararaang taon, ang ibinotong Vice President, at balik-Secretary si Mildred Bacud, habang si Rodel Fernando ang Assistant Secretary.
Pangalawang taon ng pagiging Treasurer ni Boy Romero at ng Assistant Treasurer na si Robert Pangis. Si Romel Galapon ang Auditor. At ibinoto namang PRO si Sandy Es Mariano.
Sa bagong pamunuang ito, hangad ng PMPC na mas lalo pang lumawig ang pagkakabuo ng club at maging matatag sa pagharap sa mga hamon at pagbabago tungo sa ikauunlad. Ang isang samahan ay di nabubuo ng isa o dalawang miyembro lamang, ito ay group effort, isang pagpupunyaging dapat ay nilalahukan ng bawat isa, na umaayon sa iisang layunin: ang bigyan ng bagong bihis-anyo ang isang samahan at mamantini ang tiwala at respeto ng tao rito.

Ang Board of Directors ay binubuo nina Eric Borromeo, Roldan Castro, Blessie Cirera, Fernan de Guzman, Monching Jaramillo, Gerry Ocampo at Rommel Placente.