Home Opinion Bagong pakulo ng DFA, bulok!

Bagong pakulo ng DFA, bulok!

1018
0
SHARE

TOTOO o hindi itong kumakalat
na ‘rumor’ hinggil sa pagkuha ng ‘slot’
sa DFA, (ng mga ‘passport applicants,’)
at ‘by schedule’ ang ipinatutupad.

At kung kailan sila maaring bumalik
base sa bilang ng ‘slot’ na-‘released,
‘said slot can have it within just few minutes’
sa naglipana r’yang ‘fixers’ na mapilit.

Kung ang applicante ay handang magbayad
ng ‘certain amount’ sa ipalalakad,
kaya’t kaysa pumila ng ilang oras
marami ang napipilitang pumayag.

Iyan ay dito sa DFA Pampanga
nangyayari’t kita ng maraming mata,
base sa salaysay sa atin ng isa
na nakaranas ng ganitong sistema.

Batay sa nakalap nating impormasyon,
malaki ang kita ng mga damuhong
sa loob mismo ng DFA ay mayr’ong
kakutsaba’t mga nabibigyan ng tong’

Na galing sa ‘fixers,’ at sila rin mismo
itong sa ‘passport applicant’ diumano
ang naniningil ng mula isang libo
o higit pa, lalo’t madalian ito.

(Gaya nga kung ito ay minamadali
ng aplikante na hindi naman dati
nang may pasaporte at lubhang masidhi
ang sa ‘fiancée’ sumabay sa pag-uwi.)

Isa sa ‘king mga anak itong minsan
ang nakaranas na r’yan sa Kagawaran
ng Ugnayang Panlabas natin, kabayan
ng kakaibang uri namang kalokohan.

At kung ito’y di man natin matatawag
na kawalan n’yan ng ika nga ay sapat
na dunong upang maintindihan dapat
ang sa kanya’y ating ‘pinaliliwanag.

Sana, sa ‘officemate’ niya itinanong
kung ang ngayon ay ‘City of Mandaluyong’
ay probinsya pa nga ‘in 1964’,
kung saan si Arcangel ang Mayor noon.

Aba’y nagdaan na sa ibang opisyal
ang aniya ay ‘discrepancy’ di pa rin n’yan
tinanggap at ang sabi’y dapat palitan
ng ‘city registrar’ ang nakatala riyan?

(Na naisnulat ko ang kagaguhan niya
sa’ting column, aywan lang kung nabasa niya,
pero kung hindi man, ‘yan ay paalala
sa iba pang ang katangahan ay sobra.)

At ang hinggil sa klase ng kalakaran
na pinaiiral sa kasalukuyan
ng kung sino ngayon d’yan sa Kagawaran
ng Ugnayang Panglabas dapat palitan.

Kung di man kung sino ang nagpapatupad
sa sistemang mas kumplikado ang labas,
ay itong di na tayo kumuha dapat
ng ‘schedule,’ kundi pagkuhang “on the spot”

Upang ang naturang bulok na sistema
sa DFA, para lamang makakuha
ng pasaporte ay kinakailangan pa
nating ikuha ng ‘schedule’ sa tuwina.

Kung saan di lamang ‘fi xers’ ang direktang
sa ‘slot’ na di dapat pagkagastusan
nitong aplikanti, ang nakikinabang
kundi pati na rin ang kakutsaba n’yan?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here