OLONGAPO CITY- Pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga nagwaging kandidato sa pagka-alkalde at konsehal sa lungsod na ito.
Nanumpa si Mayor Rolen Paulino kay Executive Judge Richard Paradeza ng Olongapo City RTC, Branch 74.
Kasunod nito namumpa din ang dalawa sa mga kaalyadong konsehal nito na sina Linos Bacay at Atty. Noel Atienza,
Dumalo din sa oath-taking ceremony sina dating Zambales Gov. Vicente “Vic” Magsaysay, dating Congresswoman Milagros “Mitos” Magsaysay at Jobo Magsaysay para batiin ang bagong alkalde ng siyudad.
Sa kabila ng magkakaibang partido, dumalo din si sina Brian Gordon at ang nanalong Vice Mayor na si Rodel Cerezo at ilan pang mga tumakbong kandidato sa katatapos na halalan para saksihan ang oath-taking ceremony.
Saksi din sa panunumpa ng mga opisyal PNP, mga negosyante, ibat-ibang civic organization at ang taumbayan.