Bagong implementasyon sa paggamit at paggawa ng paputok babalangkasin

    427
    0
    SHARE

    BOCAUE, Bulacan – Kalagitnaan pa lang ng kasalukuyang taon ay ipinatawag na ni Pangulong Noynoy Aquino ang Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Inc. (PPMDAI) dahil napukaw ang atensyon ng pangulo sa mga serye ng firecracker related incidents sa bansa.

    Ayon kay Celso Cruz, chairman emeritus ng PPMDAI, sa summit na ipinatawag ni Aquino ay dito nagkaroon ng hakbang na balangkasin muli ang kasalukuyang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng firecracker industry.

    Ang seminar ay tinawag na National Explosives Control Pre-Summit Workshop.

    May mga nagawa na din silang draft resolution na lalagdaan naman ng chief ng Philippine National Police upang mabawasan ang mga firecracker related incidents.

    Ang mga nais nilang pagbabago sa IRR ay malaki ang maitutulong sa mga consumers sa mas ligtas na paggamit ng paputok.

    Hangad nilang matapos ang pagbalangkas muli ng IRR upang sa susunod na taon ay magamit na para sa publiko.

    Dito aniya ay magkakaroon ng kategorya ang mga uri ng mga paputok sa apat na uri.

    Ang class 1 aniya ng paputok ay maaring gamitin sa indoor. Ang class 2 naman ay maari lamang gamitin sa garden, ang class 3 ay may itinakdang layo mula sa gagamit nito samantalang ang class 4 ay maari lamang gamitin ng mga propesyunal na tao.

    Aniya, isa lamang ito sa mga binabalangkas upang maisulong ang mas ligtas na paggamit ng paputok.

    Sinabi ni Cruz na bukod dito ay nagsagawa din sila ng seminar sa buong kapuluan upang mapaliwanagan ang kapulisan sa nilalaman ng batas kaugnay sa industriya ng paputok.

    Aniya, may mga pagkakataon daw kasi na iba ang interpretasyon ng kapulisan sa batas at hinuhuli at kinukumpiska ang mga paputok.

    Ipinaliwanag umano nila sa seminar ang mga paputok na maaring gawin, ibyahe at ibenta sa bansa.

    Nanawagan din si Cruz sa Department of Health na sa halip na manawagan na iwasan ang paggamit ng paputok ay tulungan na lamang sila na mapaliwanagan ang publiko ng tamang paggamit nito at makaiwas sa disgrasya.

    Ang pagbebenta at paggawa naman kasi aniya ng paputok ay maliwanag sa batas.

    Binigyang diin din ni Cruz na ipinagbabawal din sa Republic Act 7183 ang pagbebenta ng mga imported firecracker sa loob ng ating bansa.

    Ang problema nga lang aniya ay hindi din agad natutukoy ang mga imported products na ito dahil sa pinapalitan na ang label nito na gawa ito sa loob ng bansa.

    Sa huli panawagan din ni Cruz na ang bilin lamang ay ang ligtas na mga paputok huwag ng bumili ng mga malalakas na paputok upang makaiwas sa disgrasya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here