Home Headlines BAGONG HALALBarangay chairman patay sa pamamaril

BAGONG HALAL
Barangay chairman patay sa pamamaril

489
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS —- Patay sa pamamaril ang kapapanalo lamang na barangay chairman ng Barangay Labne, San Miguel, Bulacan.

Naganap ang pamamaril ng riding in-tandem sa biktimang si Gener Lopez sa Barangay Mojon sa lungsod na ito bandang alas-11:45 ng umaga ng nakaraang Biyernes.

Sugatan naman sa insidente ang driver nito na si Marcelo Ignacio na isinugod sa pagamutan.

Ayon sa ulat, galing sa pagdinig sa Bulacan RTC ang biktima at kumain sa isang restaurant sa nasabing lugar bago naganap ang pamamaril.

Pagkakain ay lumabas ng restaurant ang biktima kasama ang driver nito at pinagbabaril ng dalawang salarin.

Dead on the spot ang kapitan at tinamaan naman sa tagiliran si Ignacio.

Babarilin pa sana si Ignacio ng mga salarin ngunit nagsitakbuhan na nang makitang papalapit na ang gwardya ng restaurant.

Agad na tumakas ang mga salarin sa direksyon ng crossing ng Malolos.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, acting provincial director, may kasong illegal possession of firearms si Lopez na dinidinig sa Bulacan RTC branch 51.

May natatanggap ito umano na mga death threat bago ang insidente.

Sinasabing ang biktima din ang napipisil na gawing ABC president sa bayan ng San Miguel kaya’t isa ang pulitika sa nakikitang anggulo ng pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here