Home Headlines Bago pasada: Libreng checkup sa tricycle, driver

Bago pasada: Libreng checkup sa tricycle, driver

1595
0
SHARE

Ipinaliliwanag ni Mayor Maria Angela Garcia sa mga opisyal ng tricycloperators and drivers association at de-padyak ang libreng medical check-up para sa pagsisimula ng pasada. Kuha ni Ernie Esconde



DINALUPIHAN, Bataan
Inilunsad nitong Lunes ng pamahalaang-bayan dito ang libreng medical checkup sa 2,500 driver ng tricycle at de-padyak upang makapagsimula na sa pamamasada.

Ayon kay Mayor Maria Angela Garcia, ang mayroon lamang health identification card ang maaaring mamasada.

Ang medical checkup, aniya, na kung kailangan pati laboratories, X-ray at ECG, ay gagawin nang walang isang sentimo man na babayaran ang mga driver. Ang kailangan namang ipagamot ay ire-refer umano sa municipal social welfare and development office.

“At dahil ang mga drivers ay kabilang sa working sector na frontliners, sila ay isasama sa mga imo-monitor ng barangay health emergency response teams,” sabi ni Garcia.

Ang bawat isang driver ay bibigyan din ng punongbayan ng hygiene packs na kinabibilangan ng tatlong sabong pampaligo, anim na sabong panglaba at 500 ml na zonrox para sa regular na disinfection ng mga tricycle at de-padyak ganoon din sa paghuhugas ng kamay.

Sa pamamasada, lahat ng pasahero ay pipirma sa daily passenger logbook para sa contact-tracing kung kinakailangan.

Sinabi ni Garcia na magpapatupad din ng number coding scheme. Lahat ng body numbers ending with 1,2,3,4,5 ay pwedeng mamasada tuwing Lunes, Martes, Miyerkules at Linggo, habang ang 6,7,8,9,0 ay tuwing Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo.

Ang lahat ng ito, aniya, ay tinalakay sa pagtitipon ng mga pangulo ng 16 na tricycle operators and drivers association at dalawang samahan ng depadyak noong Linggo kasama ang sangguniang bayan committee members on transportation.

Ipinaliwanag, aniya, ni municipal health officer Dr.Lahaina Bulaong, Dr Joselito Timple, at sanitary Engr. Alvin Antojo ang mga health at sanitation protocols para sa proteksyon ng mga drivers at ng mga pasahero.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here