Home Headlines BAGO IPAAMPON K-9 ng PDEA kinapon

BAGO IPAAMPON
K-9 ng PDEA kinapon

813
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Sumailalim na sa pagkakapon ang 21 na aso ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakatakda namang ipa-ampon sa mga taong nagnanais na mag-alaga ng aso.

Ang pagkakapon ay bahagi ng standard procedure para hindi na paglahiin pa ang mga aso upang maiwasan ang maagang pagkamatay ng mga ito.

Ipinaliwanag ni Bernie Velasquez, hepe ng PDEA K9 unit, na kinakailangang kapunin ang mga aso bago ipaampon para hindi maging breeder ang mga ito.

Dahil aniya, naging working dogs bilang K9 ng mahigit walong taon ang bawat aso at hindi nararapat na paanakin dahil dagdag ito sa stress na sasapitin ng mga ito at ayaw ng ahensiya na gawing negosyo ang mga aampuning aso.

Ayon sa PDEA, hindi na rin kaya ng ahensiya ang maintenance ng mga aso kung kayat naisipan nila na ipaampon na lamang ang mga ito.

Numero unong prayoridad ng ahensiya ang mga personel nila na mag-ampon tulad ng opisyal at mga handler.

Kanilang sinusuri ang kakayahan ng mga sibilyan na mag-aampon ng aso na titiyaking may kakayahan at hindi mapapabayaan ang mga aso.

Kabilang sa mga retiradong aso na ipapa-adopt ay ang Belgian Malinois, Golden Retriever at German Shepherd.

Apat na tauhan ng PDEA ang pumasa sa criteria ng pag-aampon habang 17 sibilyan naman ang nagkwalipika sa ahensiya.

Nakatakda namang dumating ang nasa 100 aso na binili ng ahensiya upang sanayin na mapabilang sa elite unit ng PDEA K9.

Kabuuang 71 ang K9 ng PDEA at kabilang dito ang 21 na ipapa-adopt samantalang nakadeploy na ang 50 sa operasyon.

Mensahe ng PDEA sa mga mag-aampon ng mga aso ay gawing stress free environment para sa mga retiradong aso at mahalin bilang miyembro ng pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here