Bilang lovers ang roles ng dalawa kung kaya kinailangan ang mga intimate scens gaya ng halikan sa bibig. Pero ayun, nagtatalak si Cristine sa mga write ups patungkol nga sa di kanais-nais na amoy ng bibig ni Jake Cuenca.
Sa isang intetview sa aktor, inusisa ng writer kung nakarating nga sa kanya ang mga paninira ni Cristine.
“I don’t think she’ll do that kasi parang okey naman kaming dalawa, okey yung samahan namin, it was smooth sailing till the end of the taping and… I feel very blessed na naka-partner ko siya. Sana di totoo yun kasi okey naman ang working relationship namin sa set, okey naman ang pinagsamahan namin sa Precious Heart.”
Aminado naman daw si Jake na hindi sila naging ganun ka-close ni Cristine while taping Precious Heart pero kampante siya na hindi siya sinisiraan nito gaya ng nababalita.
“Di naman talaga kami masyadong nag-uusap. Like sa set okey ang samahan namin but texting or calling, hindi. It’s a very professional relationship. I’m very confident naman na she’s not doing that so I don’t have to double-check kung totoo ba yung issue o hindi.”