Kung totoong wala ngang transmittal slip
Na makita sina Mayor Katoy Naguit
In relation with the official business
Of then Minalin town Mayor Edgar Flores
Concerning the whereabouts of the Hydraulic
Excavator on Barge that had been entrusted
To said town’s honorable Chief Executive,
Sometime in 2005 of his terms of office
Though there exists a file intact in a logbook
That has been discovered lately kept on records,
But with regards to said equipment’s whereabouts
Precisely, on said file nothing therein follows.
At nalaman lang ng tanggapan ni Naguit
Na yan pala ay di nakuhang ibalik
Sa DPWH ni Edgar Flores
Hanggang sa siya ay tuluyang maalis
Sa kasagutan ni Engr. Danganan
Sa sulat ni Naguit, kung saan tinuran
Na di naibalik sa kanyang tanggapan
Ang equipment hanggang sa kasalukuyan.
Sa madaling sabi… kung saan mang dako
Ng Minalin, wala ni makapagturo
Kung saang bakuran ito nakatago,
Nangangahulugang ito ay naglaho?
Ng animo’y bula ang ganun kalaki
Na klaseng equipment, na di maipagbili
Basta sa isang gaya nitong mamimili
Ng scrap, tulad ng diyaryo’t saka bote!?
Kung ani Engr. Danilo Danganan
Yan ay inihatid sa naturang bayan
Nina Pecson at iba pang kasamahan,
Base sa AR na pinanghahawakan
Marapat lamang na gumawa ng aksyon
Ang DPWH upang matunton
Itong equipment na nawawala ngayon
By means of inviting the said former Mayor
To the office of the Regional Director
To shade light concerning the said Excavator,
As said matter maybe resolved once and for all
In such a way which is lawful and with honor.
Bago kumilos ang naturang tanggapan
Para sa legal na prosesong kailangan
Upang mapilit ang dating Alkalde riyan
Na ilitaw itong gamit na naturan.
Na lubhang kailangan ngayon sa Minalin
Upang magamit sa usual na pag-dredging
Sa ilog at sapa para manatiling
Buhay ang waterways na dapat lumalim
Na siyang karaniwang dahilan kung bakit
Tuwing tag-ulan ay baha sa paligid,
Kaya anhin na lang din ni Mayor Naguit
Ang Excavator ay muling maibalik
Sa Minalin, saan man ito dinala
Ni Flores nang siya itong Alkalde pa
Upang si Naguit ang gumamit kumbaga
Sa equipment na yan bago itong iba.
Pagkat sa Minalin ito nararapat
Manatili dahil inisyu ya’t lahat
Para dito, at kung ito’y inilipat
Man sa ibang bayan ay may rekord dapat;
At di gaya nitong di natin malaman
Kung ya’y tsinap-chop na nitong nakaraan
Ng kung sinong baka ya’y napagkamalan
Na nitong kanya na kaya binenta yan!