Home Headlines Backflooding sa 6 barangay

Backflooding sa 6 barangay

983
0
SHARE

Gumagamit na ng bangka ang ilang residente sa Barangay San Miguel para makalabas sa lugar nang hindi na lulusong pa sa tubig. Kuha ni Rommel Ramos



CALUMPIT, Bulacan — Tirik na ang araw matapos manalasa ang mga bagyong Pepito, Quinta
, at Rolly ngunit nakararanas pa rin ng pagbaha ang anim na barangay dito

Ayon sa MDRRMO, nasa isa hanggang limang talampakan pa rin ang taas ng tubig sa mga barangay ng Gugo, Meysulao, San Miguel, Bulusan, Frances, at Sta. Lucia.

Ang San Miguel ay may pinakamataas na tubig na apat na talampakan, habang tatlong talampakan naman ang Meysulao, at nasa isa hanggang dalawang talampakan ang taas ng baha sa iba pang nabanggit na mga barangay.

Isa sa dahilan ng backflooding ay ang high tide at ang mataas na tubig sa Pampanga River na nagmumula sa bayan ng Candaba.

Lagpas kasi sa critical level ang water elevation sa Candaba River na 5.10 meters mula sa 5-meter critical level.

Sa bayan ng Calumpit ang tungo ng tubig bilang catch basin ng Pampanga River.

Samantala, nasa 222 pamilya o 820 indibidwal mula sa mga apektadong barangay ang nasa ibat-ibang evacuation centers hanggang sa kasalukuyan mula pa noong bagyong Pepito.

Sinisiguro naman ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang social distancing at minimum health protocols sa mga evacuation centers dahil naman sa banta ng Covid-19 pandemya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here