Back to zero ang showbiz stature ni Nora Aunor

    374
    0
    SHARE

    Nasa Pilipinas na naman si Nora Aunor. Pero ‘di gaya ng dati ng tumigil ang ikot ng showbiz dahil sa kasabikan sa muli niyang pagbabalik, ngayon ay lukewarm ang attitude ng publiko sa kanya.

    If at all, may may mga taong nag-a-alleluyah sa pagbabalik ni Nora Aunor, yun ay ang mga Noranians lang at wala ng iba pa.

    Paano naman kasi, siya pa rin yung dating Nroa Aunor. Na sa kabila ng maraming pangakong magbabago na siya, still, walang nangyari, and aside from fulfilling her contract sa Tv5 na Sa Ngalan Ng Ina na hindi naman nag-creat ng stir (it actually flopped at wala talagang kinita sa kanya ang naturang network which invested a fortune para nga siya makabalik.

    Along with other several stories surrounding Nora Aunor kasama na ‘yung mga false promises, yung absentism  at iba pang mga dahilan kung bakit siya nawala sa limelight.

    Sa kanyang pagbabalik ngayon, talgang lumabo, if at all totoo na muling magiging phenomenal si Nora Aunor.

    Sa kanyang pagbabalik, ayan na naman ang mga pangako niya.   “Sa lahat ng fans, unang-una, yung aking buong-pusong pasasalamat pa rin at hanggang ngayon ay nandiyan sila. At yung suporta nila, talagang nandiyan pa rin.

    “A… humihingi din ako ng paumanhin sa fans dahil may mga ipinangako ako… yung huling punta ko, na hindi ko natupad sa kanila.

    “Gusto kong bigyan ng priority yung mga fans ngayon sa pagbabalik ko.

    “Sa mga fans na nandiyan pa rin, gusto kong matupad yung pangako ko sa kanila talaga ngayon.

    “Kung anuman ‘yon, sila lang ang nakakaalam. Pagka natupad na ‘yon, saka malalaman ng mga tao.”

    Yan ay galing mismo sa isang interview ni Nroa Aunor. Sana kung mangangako siya, matuto siyang tupdin ito.

    O kaya gawin niya’ng mga pangakong kadalasa’y napapako.

    And truly, Nora Aunor is sounding ding like a broken record sa pagsasabi ng ganyan at ganito. Kumbaga, walang pagbabago, siya pa rin talaga yung lumang Nora Aunor na iniwan ng showbiz dahil sa pagbawawalang-bahala niya.

    “Sa lahat ng nangyayaring ito, gusto kong ipaabot sa TV5 yung talagang taos-puso kong pasasalamat, dahil lahat ng aking kahilingan, lahat ng mga dapat kong gawin, talagang suportado po ako.”

     Pinasalamatan din ni Nora ang ilang executives ng Kapatid network na aniya’y, “Talagang nandiyan po lahat sila kapag may kailangan ako, suportado. Lahat talaga sila nagugulo dahil sa akin.”

     Para sa fans, nagpasalamat din ang Superstar: “Sa lahat ng fans, unang-una, yung aking buong-pusong pasasalamat pa rin at hanggang ngayon ay nandiyan sila. At yung suporta nila, talagang nandiyan pa rin.”

    At yung dati niyang kamalian tungkol kay John Rendez ay andiyan pa rin . Sa sobrang pagmamahal yata sa lagi niyang sinasabing friend lang daw niya, na siyempre mahirap paniwalaan, wala silang romantic relation, ilan pa ang mga plano ni Nora Aunor tungkol kay John, na kesyo, gagawan ng album si John na kumbaga, nasa proridad pa ni Nora Aunor kaysa kanyang sarili ang kanayg  special friend na si John Rendez.

    Come to think of it, ang relasyon niya sa John Rendez na ito ang naging daan upang mapalungi at malaos si Nora Aunor. Many will not agree pero yun po ang opinion namin.

    Yun ngang dapat ay pagpaopera niya kuning-kuning sa Masachusstes turns out to be a hoax.  Istoryang walang-wala kumbaga. 

    Pinaniwala tayong ganun at ganyan na sa bandang huli, wala naman pala talaga, kumbaga drawing lang.

    Kesyo may proseso and all, babalik para ma-checp up na muli and so on and so forth, ano ba talaga’ng totoo?

    Bago umalis si Guy sa kanyang  US trip daming gulong nangyari sa mga taong nakapaligid sa kanya.

    Di na namin iisa-isahin, kasi mismong yung mga taong nagkagulo ayaw nang umamin, if at all, lagi lang off the record.

    But in the end, itong mga taong ito na supposedly na natraydor ni Nora Aunor, sila pa’ng nagsasabing patuloy ang friendship nila sa kanya.

    Ayan nga, andito na sa Pilipinas si Nora Aunor, daming fresh plans, daming sinasabing kesyo ganun at ganito.

    Pero matutuloy ba? Hindi kaya mismong si Nora Aunor ang maging balakid para matuloy ang lahat ng magandang plano sa kanya?

    Sa ngayon talaga, back to zero ang binansagang nag-iisang superstar. Wala pang konkreto kung di tiwalang ibimibigay sa kanya ng mga taong gusting mgsalba sa kanya. Pero si Nora Aunor, handa nga bang magbago?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here