Tinitiyak naming sa inyo, babalik at babalik si Willie sa Wowowee. Kahit ano pa’ng mga intriga ngayon, iisa ang patutunguhan nito, ang pagbabalik nga ni Willie sa network.
Did you know na merong isang docu-project ang ABS-CBN at isa si Willie sa mga in-interview to be featured in such, dinayo si Willie sa kanyang Tagaytay vacation house para kausapin.
Anyway, sa ngayon, iginagapang ng ABS-CBN ang Wowwee at nagpe-prepare na sila sa bonggang pagbabalik ni Willie. Yun ang request ng publiko dahil nga di naman ganoon kahusay ang mga co-host na ginagamit nila sa show.
Gaya nung isang araw, si Gabby Concepcion ang pumalit sa puwesto ni Willie at damang-dama ang mga kakulangan nito bilang effective host. Kumbaga, wala naman talagang makapapalit kay Willie at mas marapat na sibakin na lang ang show kung talagang di na babalik si Willie Revillame.
Si Gabby Concepcion ang guest co-host sa Willie of Fortune segment na mukhang nangangapa pa dahil mabagal siyang mag-spiels. Sabi nga ng Stir editor (Chief Agitator) ng www.stir.com.ph na si Edgar Cruz sa text niya sa creative director ng noontime show, “nakakaantok panoorin si Gabby.”
Kinausap namin ang ilan sa mga audience na ang iba ay TFC subscribers. Anila: “Kami man ay hindi kumbinsido although hanga kami sa kaguwapuhan ni Gabby. Miss na namin si Willie. Iba talaga kapag siya ang naghu-host. Kapag malungkot ay napapaiyak kami at kapag masaya, talagang tumatawa kami. Sana bumalik na siya. We love Wowowee and we love Willie.”
Nagpa-interview din si Edgar “Bobot” Mortiz, ang Wowowee creative director, kung may kinalaman ba ang ABS-CBN management sa hindi paghu-host ni Willie sa Wowowee. Kung ano ba ang sagot ng network sa letter na ipinadala ng MTRCB at KBP.
“Ang alam ko, sinagot na ng management ’yun. Hindi naman siguro nila pababayaan si Willie. Hindi din totoong sinuspinde si Willie. Alam ko humingi siya ng two weeks vacation at pinayagan naman. Kaya hintay lang tayo. Malay natin baka sa Sabado (August 22) andiyan na uli siya,” ani direk Bobot.
Sinabi din niyang walang katotohanan na nag-alsa-balutan na ang TV host. “Mga personal belongings lang niya (Willie) ang kaniyang kinuha. Siyempre, ginagamit niya ang mga ’yun.”
Samantala, padami nang padami ang mga supporter ni Willie na nagpi-picket sa harap ng ABS-CBN. Sigaw nila’y “ibalik si Willie sa Wowowee. Nami-miss na namin ang pang-masang TV host. Wala siyang kasalanan sa pangyayari.”
By the way, sa pamamagitan ng kolum na ito, nakikiusap ang bonggang friend namin sa Candaba, Pampanga na si John Manalastas upang i-congratulate ang mga kaibigan niyang basketeers na nanalo bilang champion sa isang liga sa Barangay Gulap nitong Agosto. Sila’ng Fingerlings na kinabibilangan nina Mario Meneses (MVP), Jason Torno, Richard Alarcon, Emmanuel Castor, |Eric Liwag, Rannie Torres, Marvin Adriano, Mark Bangit, Reggie Medina, Luciano Meneses, Eric Bangit, Raymond Liwag, Dennis Gatbonton, Jason Batas, Marlon Gatbonton at sa kanilang mga coaches na sina Ahl Gregorio, Marlon Adriano at Quiel Sarmiento.
Ipinaabot din ni John ang kanyang pagbati sa mga managers ng grupo na sina Zosimo Batas at Roger Sagum.
O ayan, John, sinulat na namin ang mga papa mo!