BABALA SA MAMAMAYAHAG:
    Mag-ingat sa marahas na halalan

    371
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG CEBU—Mag-iingat kayo! “This could be one of the bloodiest elections in our history.”

    Ito ang buod ng mensahe ni Atty. Harry Roque ng Center for International Law Philippines (CenterLaw-Philippines) sa mga mamamahayag dahil sa posibilidad na maging marahas at madugo ang nalalapit na makasaysayang halalan sa Mayo.

    Kaugnay nito, sinabi niya dapat maging bahagi ng kampanya ng mga kandidato sa pagka-Pangulo ang mga solusyon para sa culture of impunity o ang kawalan ng napaparuhasan sa mga pamamaslang sa mga militante at mamamahayag.

    Dahil dito ay inimbitahan niya upang magsalita sa Abril si Frank La Rue, ang rapporteur ng United Nations hinggil sa freedom of expression.

    “This could be one of the bloodiest elections in our history,” babala ni Roque sa mga mamamahayag na lumahok sa ikatlong pagsasanay hinggil sa pamamahayag sa halalan na pinangunahan ng Philippine Press Institute (PPI) at isinagawa sa Waterfront Hotel sa lungsod na ito noong Pebrero 2-5.

    Ang babala ni Roque ay batay na rin sa mga problema sa paghahanda sa nalalapit na halalan na hanggang ngayon ay hindi pa natutugunan ng Commission on Elections (Comelec)

    Kabilang dito ay ang katiyakan na mabibilang ang mga boto ng bawat botante sa nalalapit na halalan; seguridad ng boto at pagboto; at kawalan ng probisyon sa batas hinggil sa pagsasampa ng election protest.

    Ayon kay Roque, hindi nakatitiyak ang mga botante kung mabibilang ang kanilang boto sa Mayo; bukod pa sa may panganib ng karahasan sa mga botante dahil ang balota ay maaaring mabasa ng mga watcher o bantay ng mga kandidato.

    “No one will graciously accept that they lost because they do know if votes cast for them were actually counted,” ani Roque na nagsisilbing abogado sa 15 pamilya ng biktima sa Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23.

    Sa kalagayang ito, sinabi ni Roque na hindi imposibleng makaranas ng karahasan ang sinumang botante kapag nabasa ng watcher na hindi ang kanilang kandidato ang ibinoto ng botante sa halalan.

    May posibilidad din na agawin o nakawin ang mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine sa araw ng halalan.

    “Dati ay ballot box snatching, pero dahil sa maliit at magaan yung PCOS machine, baka magkaroon naman ng PCOS snatching,” ani ng abogado.

    Nagbabala rin siya sa kawalan ng probisyon ng batas na sumasakop sa automated election ng sabihin niya na para sa ibang pulitiko, partikular na sa malalayong bayan at lalawigan, “ang kawalan ng probisyon sa election protest ay maaring mangahulugan ng karahasan.”

    Ito ay dahil sa kung walang nakikitang ibang paraan ang kandidato upang magkamit ng katarungan sa halalan, partikular na kung magkakaroon ng dayaan.

    Kaugnay nito, sinabi ni Roque na dapat ay maging bahagi ng kampanya ng mga kandidato sa pagka-Pangulo ang mga panukalang solusyon sa culture of impunity.

    Sinabi niya na darating sa Abril 30 si La Rue upang kausapin ang mga kandidato hinggil sa malayang pagpapahayag at culture of impunity.

    “I’m looking forward to convince at least the presidentiables to sit down with Frank La Rue,” ani Roque

    Iginiit pa ni Roque na, “it is important that impunity becomes part of the candidates agenda so that we will know what they will do with it when they are elected.”

    Gayunpaman, nilinaw ni Roque na hindi magsasalita si La Rue hinggil sa kalagayan ng malayang pagpapahayag sa bansa, katulad ng ginawa ni Philip Alston, ang UN rapporteur on Human Rights may dalawang taon na ang nakakaraan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here